486 total views
Kinilala at binigyang pugay ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang mga guro.
Ginawa ng CEAP ang pagpupugay sa paggunita sa World Teacher’s Month simula noong ika-5 ng September hanggang October 05, 2022 at sa paggunita ng World Teachers Day sa October 05.
Ayon sa CEAP, alinsunod sa sinabi ng Kaniyang Kabanalang Francisco na ang pagiging guro ay isang misyon na pinipili ng ilan upang ibahagi ang edukasyon sa nakararami.
“CEAP lauds all our teachers for their tireless and never-ending service in providing transformative education, this is high time to recognize and commend our teachers who have been on the frontline with our students and the education sector amidst Covid 19 pandemic,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Allan Arellano – CEAP Executive Director.
Tiwala ang CEAP na pag-ibayuhin ng mga guro sa mga katolikong paaralan at institusyon ang misyon hindi lamang magturo kundi isabuhay ang katuruan ng Simbahan at ng Panginoong Hesukristo.
Ipinangako naman ng CEAP sa bawat Pilipinong guro ang suporta upang higit pang mahasa ang kani-kanilang kakakayahan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
“We are on a mission for Catholic education wherein our youth experience the world in a relationship with God; for quality education not just based on books but with critical thinking and practical mind, and for transformative education serving the common good discerned as God’s will,” ayon pa sa mensahe ng CEAP sa nalalapit na paggunita.
Batay sa talaan ng The United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), nagsimula ang paggunita ng Teacher’s Month at Teacher’s Day noong 1966.
Ito ay upang kilalanin ang trabaho ng mga guro sa buong mundo at kanilang pangangailangan sa pagtuturo.