Panalangin sa kaligtasan ng HCW’s, tiniyak ng CBCP-ECMI

Nagpapasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) sa patuloy na pagseserbisyo ng mga Medical Health Care Workers.

Ayon kay Father Dan Cancino M.I – Executive Secretary ng CBCP-ECHC, sa tulong ng mga H-C-W ay malapit ng mapagtagumpayan ng Pilipinas at ng buong mundo ang pandemya.

“Ang simbahan ay ipagpapatuloy ang panalangin para sa inyo kasama kayo lagi sa panalangin ng mga Kamilyano, ng Episcopal Commission on Health Care, sa pangangalaga ninyo sa mga may karamdaman dalhin ninyo yung pagibig ng Diyos, makita nawa ninyo ang Diyos sa mga may sakit, at makita nawa ng mga may sakit ang Diyos sa mga nangangalagawa ng may sakit,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Cancino

Itinuring din ng Pari ang mga HCW bilang biyaya ng Panginoon sa bayan at simbahan dahil sa kanilang katangi-tangi paglilingkod sa pagbibigay prayoridad sa kalusugan at kapakanan ng iba bago ang kanilang sarili.

“Salamat, maraming salamat sa patuloy na paglilingkod, maraming salamat sa patuloy na pag-aalay ng buhay at pagpapakita ng walang hanggang pagibig ng Diyos lalung-lalu na sa naghahanap nito, yung mga taong may sakit,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Cancino.

Upang makapamuhay ng may dignidad, nanawagan sa pamahalaan si May Parsons – George Cross Awardee at United Kingdom-based Nurse na itaas ang suweldo ng mga HCW.

Naunang kinatigan ng Philippine Nurses Association (PNA) ang panawagan ni Parsons na bigyan pansin ang mga nurse sa pribadong sektor na tumatanggap ng mas mababang suweldo kumpara sa mga nasa pampublikong ospital.(JM)

Batay sa talaan ng Department of Labor and Employment, umaabot lamang sa 13-libong piso ang entry level na suweldo ng mga nurse sa mga pampublikong ospital habang nasa 10-libong piso naman ang entry level ng mga nurse sa mga pribadong pagamutan.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
ads
ads
ads
2
3
4
ads
ads
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe us to receive latest News & Update in your inbox