Christmas tree of hope, pormal na pinailaw sa Mandaluyong city jail

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,732 total reads

Opisyal na pinailaw ang christmas tree sa Mandaluyong City Jail – Male Dorm para sa papalapit na pasko ngayong taon.

Isinagawa ang Lighting of Christmas Tree of Hope sa piitan kasabay ng unang araw ng Disyembre, 2023 na muling isinagawa tatlong taon makalipas ang COVID-19 pandemic.

Bago ang naganap ang pagbubukas ng pailaw ay nagkaroon din ng Chorale Competition kung saan nagpaligsaan sa pagkanta ng mga kantang pampasko ang 10 grupo ng mga Persons Deprived of Liberty mula sa Male Dormitory na sinundan naman ng Parade of the Lanterns kung saan ibinida rin ng mga PDLs ang kanilang mga gawang parol mula sa mga recyclable materials na matatagpuan sa piitan.

Ayon kay Mandaluyong City Jail – Welfare and Development Chief Senior Jail Officer 2 Timoteo Martinez, mahalaga ang mga katulad na gawain para sa PDLs upang higit pang malinang ang kanilang kakayahan at mabawasan ang kanilang kalungkutan lalo na sa papalapit na pasko.

“Ito naman pong mga programang ito is ordinary programs ng Mandaluyong City Jail sa ganitong pamamaraan ay nalilinang natin ang kakayanan ng ating mga PDLs, sa ganitong paraan ay malaki ang naibabawas sa kalungkutan sa pangungulungan ng mga Persons Deprived of Liberty.” Ang bahagi ng pahayag ni SJO2 Martinez sa Radyo Veritas.

Inihayag naman ng opisyal ang pagiging bukas ng Mandaluyong City Jail para sa mga nagnanais na magbahagi ng tulong, biyaya at pagkalinga para sa mga Persons Deprived of Liberty sa piitan.

Batay sa tala, may 835 ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Mandaluyong City Jail kung saan 740 sa mga ito ay mga lalake habang 95 naman ang mga babae.

Batay sa panlipunang turo ng Simbahang Katolika ang pagbibilanggo ay hindi lamang para parusahan ang mga taong lumalabag sa batas sa halip ay upang mapaghilom ang pagkasirang tinamo ng mga nagkasala mula sa kanilang nagawang kasalanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 52,570 total reads

 52,570 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,144 total reads

 86,144 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,970 total reads

 187,970 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 228,527 total reads

 228,527 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 246,934 total reads

 246,934 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 50,362 total reads

 50,362 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top