Isang dekada ng Christmas carroza, ginunita ng St.Joseph the Worker parish

SHARE THE TRUTH

 18,704 total views

Muling tiniyak ng pamayanan ng St. Joseph the Worker Parish sa Pandayan Meycauayan Bulacan ang pagpapaigting sa ebanghelisasyon hango sa mga tagpo ng bibliya.

Ito ang binigyang diin ni Fr. Ibarra Mercado, ang kura paroko ng parokya sa taunang Christmas Carroza na kanyang inilunsad sampung taon ang nakalilipas.

Ayon sa pari binibigyang pansin sa gawain ang buhay ni Hesus na inialay ng Diyos Ama sa sanlibutan upang matubos ang kasalanan ng sangkatauhan.

“Itong Christmas Carroza ay aming mabisang pamamaraan para kami ay tumutugon sa panawagan ng evangelization. Nagtuturo po tayo ng katesismo, mga elemento po ng ating pananampalataya lalong lalo na po ang pagsilang at pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo,” pahayag ni Fr. Mercado sa Radio Veritas.

Tampok sa unang dekada ng christmas carroza ang pagbibigay kabuluhan sa mga kristiyanong katuruan na dapat isaalang-alang ng bawat binyagan.

Tampok ngayong taon sa walong carroza ang tungkuling ginampanan ni San Juan Bautista sa buhay ni Hesus (The Cardinal Academy Inc.); Pag-iisang dibdib ni San Jose at Birheng Maria (Commission on Youth, Ministry on Altar Servers at Commission on Social Communications); Ang kapanganakan ni Hesus (St. Anne Academy of Meycauayan); La Virgen Dela Leche (Commission on Evangelization, PASKA, El Shaddai, Pondo ng Pinoy, Bible Apostolate, Bukas Loob sa Diyos); Ang pagdalaw ng tatlong Mago sa sanggol na si Hesus (Knights of Columbus, Lay Ministers, Daughters of Mary Immaculate); Paglalakbay patungong Ehipto (Botika sa Kanto); Ang pagpatay sa mga sanggol na Hudyo na dalawang taong gulang (Meycauayan College) at ang; Sta. Claus (SPPC Medallion).

“Ipinakikita at itinatampok sa ating mga carroza ngayong taon ang christian values at mapagnilayan ang mga tagpo ng bibliya ayon sa kasalukuyang pangyayari ng ating lipunan,” giit ni Fr. Mercado.

Pinasalamatan ni Fr. Mercado ang bawat pamayanang nakilahok sa christmas carroza na tanda ng pagsasabuhay ng simbahang sinodal lalo’t lahat ng sektor ay kasali sa gawain at buong pusong sinusuportahan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Kada taon naging tradisyon ang parada ng mga carroza mula Malolos Convention Center patungong kapitolyo ng Bulacan bilang bahagi ng paglunsad sa ‘Pasko ng Bulacan’ sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando at mga kasamahang opisyal.

Tinuran ni Fr. Mercado ang kahalagahan ng pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan sa paghahanda sa nalalapit na Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesus na magbibigay liwanag at pag-asa ng mamamayan na pinanghihinaan dulot ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 357 total views

 357 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,718 total views

 25,718 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,346 total views

 36,346 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,367 total views

 57,367 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,072 total views

 76,072 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top