Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Church based-cooperatives, hinamong pangunahan ang pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,011 total views

Inaanyayahan ng Cooperative Development Authority ang mga miyembro ng mga kooperatiba, higit na ang mga church based cooperative na isulong ang pangangalaga sa kalikasan at food security.

Ito ay bilang pakikiisa National Cooperative Month ngayong buong buwan ng Oktubre na ginugunita sa temang “Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security.”

Hinimok ni CDA Chairman Joseph Joy Encabo ang mga miyembro ng church based cooperatives na pangunahan ang pagsusulong ng pagkakaisa upang makamit ang mga layunin ng kooperatiba ngayong taon.

“Sa mga mga kasamahan ko po sa church based cooperatives sa buong bansa magtulungan po tayo at gawin po nating modelo ang ating kooperatiba upang ipagtuguyod at ipakita ang kahalagahan ng ating kalikasan, bigyang solusyon at mga mitigating measures and even mga rehabilitation programs ng ating environment para po ma-address natin at magiging pioneering institutions tayo sa pagbigay ng mga recovery plans, programs and activities para sa ating kalikasan at para sa buong mundo.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Chairman Encabo.

Naniniwala si Encabo na sa pangangalaga sa kalikasan ay maisusulong ang katiyakan ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa buong Pilipinas.
Nilinaw ni Encabo na magkaakibat ang pangangalaga sa sa kalikasan at food security dahil naiiwasan ang pagkasira ng pananim at likas na yaman.

“It should be one on this, it should be united and let’s make sure that as we progress with our business, we should also give priority and importance to our environment and for our food security for the next generation so sa lahat po ng ating mga kababayan, mga naniniwala sa kooperatiba, mga kasama sa kooperatiba, lahat ng kooperatiba sa bansa, happy cooperative month.” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Chairman Encabo.

Iniulat ng C-D-A sa paglulunsad ng Cooperative Month na umaabot na sa dalawampung libo at isang daan ang kabuoang bilang ng mga kooperatiba na binubuo ng mahigit na 19-milyong miyembro sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 9,772 total views

 9,772 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Andaming sumasawsaw

 114,025 total views

 114,025 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 159,475 total views

 159,475 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 160,971 total views

 160,971 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

META, maghihigpit sa mga kabataan online

 3,400 total views

 3,400 total views Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines Ang digital literacy

Read More »
Scroll to Top