“Church in mission” ng simbahan, paiigtingin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,046 total views

Ikinalugod ni Dumaguete Bishop Julito Cortes ang patuloy na pagyabong ng pananampalataya ng diyosesis sa loob ng pitong dekadang pagmimisyon.

Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng ordinasyon ni Bishop Glenn Corsiga na bagong obispo ng Diocese of Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Bishop Cortes na malaking biyaya para sa diyosesis ang makapagbahagi ng misyonerong pastol sa simbahang katolika.

“As we celebrate the 70th anniversary of the founding of our diocese, we have been gifted with a bishop from among our own clergy. What a great grace and providence of the Lord for us. A gift meant to be shared,” pahayag ni Bishop Cortes sa Radyo Veritas.

Tiniyak ng obispo na patuloy itong makikiisa sa misyon at panawagan ng namayapang Pope Francis gayundin sa kasalukuyang pamumuno ni Pope Leo XIV na maging ‘church in mission.’

Kabilang din sa mga obispong mula sa diyosesis ay sina Marawi Bishop Edwin dela Peña, Agaña Guam Archbishop Ryan Jimenez, Chalan Kanoa Bishop Romeo Convocar at iba pang mga paring naglilingkod sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“This call of our popes to be a missionary Church is a recognition of God’s grace at work in our midst. We already have two other missionary priests — one in Marawi and the other in Canada — showing that our diocese is already contributing to the universal Church,” dagdag pa ni Bishop Cortes.

Batay sa kasaysayan, noong Hulyo 29, 1955, itinalaga ni Pope Pius XII si Bishop Epifanio Surban bilang kauna-unahang obispo ng Dumaguete.

Makalipas ang 70 taon, inordinahan naman si Bishop Corsiga para sa Diocese of Ipil upang magpastol sa mahigit kalahating milyong kawan, kabilang na ang mga Muslim sa Zamboanga Sibugay.

Pinangunahan ni Zamboanga Archbishop Julius Tonel ang rito ng ordinasyon katuwang sina Dumaguete Bishop Julito Cortes at Palo Archbishop John Du habang si Cebu Archbishop Jose Palma ang nagsilbing homilist.

Dumalo sa pagtitipon ang 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis, kabilang na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula. Si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara naman ang kumatawan sa mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang kasalukuyang Pangalawang Pangulo nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 12,091 total views

 12,091 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 33,072 total views

 33,072 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 55,500 total views

 55,500 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 229,227 total views

 229,227 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 206,131 total views

 206,131 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top