VeritasPH

The Word, The Truth

 227 total views

Mga Kapanalig, bawat isa sa atin ay maraming ginagampanang papel sa ating buhay, at kaakibat ng mga ito ang maraming interes at loyalties o katapatan sa ating mga nakakaugnayan—mga kapamilya man, mga kaibigan, o mga katrabaho. Napakalakas din ng utang na loob sa ating kultura, at isa ito sa mga sinasabing dahilan kung bakit mahirap na walang kinikilingan sa ating mga desiyon at ginagawa.

Mas malaking hamon ito sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan. Bilang mga tagapangasiwa ng tinatawag nating public trust, dapat nilang unahin ang interes ng publiko bago ang kanilang interes. Ito ang kanilang sinumpaang tungkulin nang sila ay iluklok sa puwesto o italaga sa kani-kanilang tanggapan. Tinatalikuran nila ang tungkuling ito kapag ginagamit nila ang tangan nilang kapangyarihan at awtoridad upang unahin ang kanilang sariling interes kaysa sa interes ng publiko. Kaya napakahalagang iniiwasan sa pamahalaan ang tinatawag na conflict of interest. Ngunit sa maraming pagkakataon, lalo na sa ilalim ng administrasyong Duterte, may mga itinatalagang opisyal ang may kaugnayan sa mga bagay na maaaring magbunga ng conflict of interest.

Noong nakaraang linggo, pinunan ni Pangulong Duterte ang tatlong bakanteng posisyon sa Commission on Elections (o COMELEC). Tatlong commissioners ang kanyang itinalaga: si National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Pangarungan (na magsisilbing bagong chairman), ang election lawyer na si George Garcia, at social welfare undersecretary na si Aimee Torrefranca-Neri.

May ilang umalma sa mga bagong appointees ni Pangulong Duterte sa COMELEC, at isa rito ang grupong Kontra Daya. Nababahala ang Kontra Daya na wala o kulang ang credentials ng dalawa sa mga bagong commissoners, habang ang isa naman sa kanila ay kilalang abogado noon ng tumatakbo ngayong si Bongbong Marcos na may mga nakabinbing disqualification cases sa komisyon. Tanong ng Kontra Daya, paano raw nila titiyaking mananatili ang kanilang pagging independent o hindi maiimpluwensyahan ng mga pinagkakautangan nila ng loob o mga dating kliyente? Kampante naman ang tagapagsalita ng COMELEC na kaya ng mga bagong talagang commissioners na manatiling patas at walang kinikilingan o pinapanigan habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.[1] Sana nga.

Sa isang banda, mahalagang pinagkakatiwalaan ng presidente ang kanyang mga magiging katuwang sa pamamahala. Maiintidihan natin kung mga kakilala niya ang kanyang mga itatalaga sa iba’t ibang opisina. Ngunit sa kabilang banda, kailangan pa ring busisiin ang track record at kakayahan ng mga pinipili niyang opisyal lalo na sa mga ahensyang katulad ng COMELEC na napakakritikal ng magiging trabaho ngayong darating na halalan. Mayroon naman tayong Commission on Appointments na magsasala sa mga itinatalaga ng pangulo, ngunit ibang usapin pa kung ang mga mambabatas na bumubuo nito ay inuuna ang interes ng bayan o sunud-sunuran din sa kagustuhan ng pangulo.

Ang pagiging mapagbantay at mapatmatyag o vigilant ang magiging sandata natin upang hindi umiral ang conflict of interest hindi lamang sa COMELEC kundi sa lahat ng agensya ng pamahalaan. Ang serbisyo publiko o public service ay laging tungkol sa pagtataguyod at pagprotekta sa common good o kabutihang panlahat, isa sa mga saligang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Ang isang public servant, samakatuwid, ay hindi dapat ginagamit ang kanilang posisyon para sa sariling kapakinabangan o para sa benepisyo ng kanilang mga pinagkakautangan ng loob. Kapag pababayaan natin ang mga conflicts of interest, hihina ang tiwala ng taumbayan sa ating mga institusyon. Nawawalan ng kumpiyansa ang publiko sa pagdedesisyon ng pamahalaan na siyang may pangunahing tungkulin sa pagtugon sa pangangailangan ng bayan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Ebanghelyo ni San Marcos 13:37, “Magbantay kayo.” Nananatili sa atin, bilang mga dapat na pinaglilingkuran ng mga public servants, ang kapangyarihang panatilihing malaya sa conflict of interest ang pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,840 total views

 13,840 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,825 total views

 21,825 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,361 total views

 29,361 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,346 total views

 45,346 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,390 total views

 53,390 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 13,841 total views

 13,841 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 21,826 total views

 21,826 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 29,362 total views

 29,362 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 45,347 total views

 45,347 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 53,391 total views

 53,391 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,156 total views

 46,156 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,581 total views

 44,581 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,367 total views

 46,367 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,292 total views

 43,292 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,606 total views

 57,606 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,296 total views

 61,296 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,899 total views

 59,899 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,886 total views

 69,886 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,854 total views

 73,854 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,741 total views

 84,741 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top