4,701 total views
Puspusan ang isinasagawang conservation works ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa original icon ng Our Mother of Perpetual Help.
Sa ibinahaging mga larawan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, nagkaloob ito ng technical assistance sa Redemptorist community upang magkatuwang na makapagsagawa ng minor conservation works sa imahen ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo na ibinababa sa altar noong ika-10 ng Mayo, 2025 para sa ikalawang taon ng Pilgrimage Season ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help.
Kabilang sa minor conservation na isinagawa sa imahen ang pagtatanggal o mechanical removal ng mga duming naipon sa loob ng mahabang panahon.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang pamunuan ng NHCP at ng Redemptorist community na talakayin ang naaangkop na paraan upang matiyak ang pangmatagalang pangangalaga sa imahen ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
“The NHCP provided technical assistance to the Redemptorist community through minor conservation works on the original icon of Our Mother of Perpetual Help, which was brought down from its altar on May 10, 2025, to signal the start of the annual pilgrimage season. Mechanical removal of frass and particulates was undertaken to eliminate decades of accumulated dirt. The activity also served as an opportune time to discuss and facilitate dialogue among decision-makers, stakeholders, and the religious community on how to move forward to ensure the long-term preservation of the beloved icon while maintaining access for continued veneration.” Bahagi ng pahayag ng NHCP.
Kabilang sa personal na nakibahagi sa isinagawang minor conservation works sa imahen ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo si NHCP Chairperson Regalado Trota Jose, Jr. kung saan nagsagawa rin ang komisyon ng pagsusuri sa circular retablo ng imahen.
“NHCP Chair Ricky Jose together with Mr. Rommel R. Aquino, Chief of Materials Research Conservation Division, NHCP’s movable heritage restoration arm also took the time to measure and conduct a condition assessment of the Virgin’s circular retablo and to note how the icon’s display and safety can be further improved.” Dagdag pa ng NHCP.
Matatandaang taong 2019 ng nagsagawa ng restoration sa original icon ng imahen ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
Kasabay naman ng paggunita sa 75th Anniversary ng Perpetual Novena sa Baclaran Church noong Hunyo ng taong 2023 ay kinilala ng National Museum of the Philippines ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church bilang “important cultural property” o mahalagang yamang pangkalinangan ng bansa dahil sa pagiging bahagi nito ng mayamang kasaysayan hindi lamang ng Simbahan kundi ng bansa.
Samantala, patuloy namang inaanyayahan ng Pambansang Dambana ng Ina ng Laging Saklolo ang bawat isa na makibahagi sa ikalawang taon ng Pilgrimage Season ng dambana.
Bilang pagsisimula sa Pilgrimage Season ay ibinaba noong ika-13 ng Mayo, 2025 ang pinakamamahal na larawan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo na isang mahalagang bahagi ng pananampalataya ng mga deboto, bilang hudyat ng pagsisimula ng Pilgrimage Season Year 2 ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help.
Layunin ng mahigit isang buwan Pilgrimage season na magtatagal hanggang ika-27 ng Hunyo, 2025 na mas buksan at ipalapit ang dambana lalo’t higit ang Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa mas marami pang mga tao, deboto at mga mananampalataya na naghahangad na makadaupang palad ang Diyos at ang kanyang Ina sa isang espesyal na pamamaraan sa pamamagitan ng paglalakbay sa dambana.
*Photo courtesy of National Historical Commission of the Philippines (NHCP)*