Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,116 total reads

Kapanalig, may trauma na tayong mga Pilipino sa salitang lockdown. Ayaw na nating maalala ito, ayaw na nating maranasan ang matinding sakripisyo at hirap na dulot nito sa ating buhay. Maaring sariwa pa sa ating isipan ang COVID 19 pandemic, na nagdulot ng matinding “stand still” sa buong mundo. Nagdulot ito ng halos dalawang taon na lockdown sa Pilipinas, walang mamamayan ang maaring lumabas ng bahay, maliban lamang sa mga health workers, mga nasa serbisyo publiko. Ang nationwide na community quarantine ay nagresulta sa matinding kagutuman at kawalan ng trabaho sa mga Pilipino.

Sa nakalipas na mga araw, maraming Pilipino ang nabahala, nag-aalala at natakot sa viral post sa social media na magpapatupad na naman ng lockdown ang pamahalaan sa June 10, 2025 dahil sa tumataas na kaso ng “monkey pox” o tinatawag na “Mpox” sa bansa. Sinasabi ng World Health Organization na ang “Mpox” ay isang viral infection na maaring kumalat o makahawa sa mga tao sa pamamagitan ng close contact at sa mga bagay na nahawakan ng isang indibidwal na mayroong MPOX.

Ang fake na social media post ay nagdulot agad ng pagpapanik at pangamba, naging dahilan ito upang mag-panick buying ng face mask ang maraming Pilipino. Peke din ang WHO advisory na mandatory na ang paggamit ng face mask upang maiwasan ang nakakahawang sakit.

Pinawi naman ng Department of Health ang pangamba ng mga Pilipino sa lockdown… fake news o misinformation ang viral na social media post. Bago ang lockdown Kapanalig, magdideklara muna ang DOH ng outbreak ng MPOX. Kapanalig, hindi kailangan ang lockdown sa MPOX, dahil naililipat lamang ang sakit sa pamamagitan ng “skin-to-skin contact”at hindi ito airbone. Hindi din sexually-transmitted disease ang MPOX. Wala tayong dapat ipangamba Kapanalig, sa kasalukuyan mayroon lamang 50-kaso ng MPOX sa bansa na naitala sa SOCCSKSARGEB, BANGSAMORO at ZAMBOANGA peninsula, mas mababa ito sa naitalang 52-kaso noong 2024.

Kapanalig, may matinding epekto sa atin ang salitang lockdown, hindi ito dapat ginagawang biro at katuwaan lamang. May napapala, nagdudulot ba sa atin ng lubos na kaligayan ang makapanakit, magdulot ng matinding takot sa kapwa ang ginagawa nating “prank” o walang kabuluhang gimik?Di ba mas nakakaginhawa sa ating puso kung kasiyahan at pag-asa ang ating ibinabahagi sa kawpa hindi ang kasiraan?

Noong January 4, 2024, hinimok ng namayapang Pope Francis ang Society of Catholic Journalists sa Germany na “ Help “de-weaponize” the way language is used in the media by being respectful to others and fostering greater understanding and peace between people. “How many conflicts today, instead of being extinguished by dialogue, are fueled by fake news or inflammatory statements spread through the media! Therefore it is even more important that you, steadfast in your Christian roots and the faith you live out daily, with hearts ‘demilitarized’ by the Gospel, support the disarmament of language”.

Sa halip na mangamba sa MPOX, nanawagan ang DOH sa mga Pilipino ng pagtutulungan sa nakakabahalang pagtaas ng kaso ng HIV infections na naitala sa 56-kaso kada araw sa bansa. Sa datos ng DOH, mula Enero hanggang Abril 2025, naitala na sa 6,703 ang bagong HIV infections. Sa kabuuan, 150,433 na mga Pilipino na ang mayroong HIV sa Pilipinas. Sinasabi ng DOH na 24 hanggang 34-taong gulang ang mayorya sa mga nahawaan ng sakit… Pabata ng pabata ang nagkakaroon ng walang gamut na sakit. Ang pagtaas ng kaso ng HIV ay dulot ng sexual contact sa pagitan ng lalaki at kapwa lalaki. Ito ang nakakatakot Kapanalig, sa modernong panahon, sa modernong kultura, ang walang pagkilala at pagsunod sa katuruan ng simbahan. Binigyan diin ng bagong Santo Papa, POPE Leo XIV, ang sexual contact ay sa pagitan lamang ng lalake at babae matapos ang pag-iisang dibdib sa sagradong sakramento ng kasal sa simbahan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 116,148 total reads

 116,148 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 192,181 total reads

 192,181 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 225,629 total reads

 225,629 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 260,928 total reads

 260,928 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 482,903 total reads

 482,903 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 116,150 total reads

 116,150 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 192,183 total reads

 192,183 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 225,631 total reads

 225,631 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 260,930 total reads

 260,930 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top