Correction summit, sagot sa problema ng BuCor – CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total reads

Dapat magsagawa ng ‘correction summit’ ang pamahalaan upang matukoy ang mga suliranin at malutas ang mga problema sa mga bilangguan sa bansa.

Ito ang suhestiyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care kaugnay sa patuloy na kaguluhan sa Bureau of Corrections (BuCor)na may kinalaman sa mga transaksyon ng ilegal na droga kung saan isinasangkot si Senador Leila de Lima.

Ayon kay Bro. Rodolfo ‘Rudy’ Diamante, executive secretary ng komisyon, sa nasabing summit kinakailangan kumuha ng mga eksperto sa penology at sa correctional na silang magiging speaker at maghahain ng mga pag-aaral, suhestiyon, at solusyon sa problema ng mga bilangguan.

Kaugnay nito, iginiit ni Diamante na napapansin din niya na sa kasalukuyan, nakasentro ang mga kinauukulan sa tila personal na interes o motibo sa halip na maghanap ng kalutasan sa mga suliranin ng mga kulungan lalo na sa New Bilibid Prison kung saan laganap ang transaksyon ng shabu.

“May suggestion nga kami magkaroon ng correctional summit to be initiated by Congress, gastusan na natin tapos tumawag tayo ng experts in penology, in correctional field…merun naman kasing nagsulat, nagsabi may consultant na tayo diyan sinasabi ito ang solusyon, ano ang practice sa ibang bansa, eh ano gaano pa ka serious, yan ang tinatrabaho namin, we are rallying all our linkages like Integrated Correctional Association of the Philippines, Action for Youth Offenders, NAPOLCOM technical committee on crime prevention and criminal justice, juvenile justice…pwede bang tumawag tayo ng summit key people then mag come out ng pag-aaral if need ng 5 days yan ok, kung kailangan ng pera ihanap natin ng pondo, and we are willing to seat in in our little resources, para ma-address na ang problema sa NBP, let us go beyond the personalities, nagsusulong sila ng political agenda na it is so personal, ginagamit nila ang kanilang posisyon to look into that, it’s about time, please go beyond yourself,” pahayag ni Diamante sa panayam ng Radyo Veritas.

Kahapon lamang sugatan ang apat na high profile inmates habang isa ang nasawi sa sinasabing isang riot sa NBP.

Kabilang sa mga nasugatan sina Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy, at si Clarence Dongail. Habang namatay naman si Tony Co.

Ang nasabing mga bilanggo ay kabilang sa mga nais ng Kongreso na kunan ng pahayag hinggil sa drug trade sa NBP.

Simula ng maluklok sa puwesto ang Pangulong Duterte, nasa higit 1, 200 na ang napaslang na drug personalities sa operasyon ng pulisya kontra ilegal na droga.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika at ng ibat ibang institusyon ang ilegal na droga dahil sa pagsira nito sa pamilya, sa kabataan at sa lipunan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,077 total reads

 2,077 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,542 total reads

 53,542 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,908 total reads

 138,908 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,644 total reads

 185,644 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,516 total reads

 233,516 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,925 total reads

 334,925 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,525 total reads

 313,525 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 419,623 total reads

 419,623 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top