COVID 19 pandemic ay paalala ng Diyos na ang buhay ng tao at kalikasan ay magkakaugnay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 807 total reads

Tanggapin ang misyon ng pagiging katiwala ng pananampalataya at kalikasan.

Ito ang hamon ni Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay sa pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon na may temang ‘A Home for All? Renewing the Oikos of God’.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang panahon ng paglikha ay tinatawagan ang bawat isa na gampanan ang mga tungkuling maging mabuting katiwala at tagapangasiwa ng mga likas na yaman ng mundo na nilikha ng Diyos.

Gayundin, sinabi ng kardinal na sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito ay hinihimok din ang bawat isa na magpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa lalo na sa mga higit na nangangailangan.

“Tanggapin natin ang ating misyon na maging katiwala ng pananampalataya. At ngayon pong Season of Creation, yan po ang ating papel, maging mabuting katiwala ng kalikasan na regalo ng Diyos. Maging mabuting katiwala ng bawat isa bilang magkakapatid at lalo’t higit maging mabuting katiwala ng pananampalataya na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno sa pananampalataya.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle sa isinagawang banal na misa sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral.

Samantala, nabanggit din ni Cardinal Tagle na marahil ang umiiral na coronavirus pandemic ay paraan ng Diyos upang maipabatid na ang kalikasan at ang buhay ng tao ay tunay na magkaugnay.

Dagdag pa ng opisyal ng Vatican na ang paggunita sa Season of Creation ay hindi lamang proyekto kundi paanyaya sa bawat isa na manumbalik at muling isabuhay ang mga aral at turo ng Panginoon hinggil sa pangangalaga sa sangnilikha.

“Kaya sana maging pang-gising sa atin ito. At bilang mga kristiyano… hindi lamang ito project, ito ay espiritwalidad. Kasama ito sa pananampalataya… sa ating pananagutan sa lumikha… sa pagsunod kay Hesus… sa ihip ng Espiritu-Santo,” ayon kay Cardinal Tagle.

Dito sa Pilipinas, ang Diyosesis ng Imus ang unang naglunsad ng Season of Creation noong taong 2009 sa pangunguna ng noo’y Obispo ng Imus na si Cardinal Tagle.

Ito ang nagbunsod sa iba pang Diyosesis sa bansa na isagawa rin ang paggunita sa panahon ng paglikha bilang pagkilala sa likas na yamang handog ng Diyos sa sangkatauhan, gayundin ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sa buong mundo, ipagdiriwang ang Season of Creation sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 4 – kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang sa Oktubre 10 bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,479 total reads

 18,479 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,187 total reads

 19,187 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,709 total reads

 36,709 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,087 total reads

 74,087 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,355 total reads

 105,355 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,297 total reads

 180,297 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,693 total reads

 272,693 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,560 total reads

 74,560 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top