CSMC at DND, nakiisa sa Chinese new year

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,103 total views

Nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year ang Cardinal Santos Medical Center (CSMC) bilang pagsalubong sa Year of the Dragon.

Binigyang diin ni CSMC Chief Medical Officer Dr. Antonio Say na ang pakikibahagi ng institusyon sa pagdiriwang ay pagpapatunay ng pagkilala at pagyakap sa mga kultural na tradisyon, at pagbabahagi ng mga karanasan upang makalikha ng isang komunidad na mangangalaga para sa kaginhawaan ng lahat.

Kaugnay din ito sa pagdiriwang ng CSMC sa ika-50 o ginintuang anibersaryo sa Agosto 15, 2024.

“As we navigate the year ahead, may it be filled with prosperity and success as we continue our unwavering dedication to patient care, futher elevate our standard, and unite in our pursuit of excellence as we approach our golden anniversary,” mensahe ni Dr. Say.

Isinagawa naman sa pagdiriwang ang tradisyunal na pagpapatunog ng mga tambol at ang lion and dragon dance na ayon sa kulturang Tsino ay sumisimbolo para sa masayang pagpasok ng Lunar New Year at pagtataboy sa masasamang espiritu.

Nakibahagi rin sa pagdiriwang sina CSMC President and CEO Raul Pagdanganan, Chief Operating Officer Dr. Zenaida Javier-Uy, at Assistant Chief Medical Officers Dr. Bernardita Navarro at Dr. Frederic Hope Tan, habang nagsilbi namang panauhin bilang kinatawan ng Filipino-Chinese community si social activist Teresita Ang See.

“In this year of the dragon, emblematic of health, strength, and good fortune, may each of us be bestowed with abundant blessings and prosperity. Let us embark in this auspicious journey with the heart gleaming of empathy, understanding and collective vision for a brighter tomorrow,” ayon kay Dr. Say.

Ang Cardinal Santos Medical Center (CSMC), na dating kilala bilang St. Paul’s Hospital of Manila, ay itinatag ng Maryknoll Sisters bago pa ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Lubha itong napinsala ng digmaan at isa si Manila Archbishop Rufino Jiao Cardinal Santos sa nagbigay ng tulong-pinansyal upang muli itong maitayo.

Agosto 15, 1974 ng magsimula ang operasyon ng ospital at itinatag bilang Cardinal Santos Memorial Hospital, na kalauna’y naging Cardinal Santos Medical Center bilang parangal sa kauna-unahang Pilipinong kardinal.

Ipinarating ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr sa Filipino-Chinese Community ang pagbati sa pagdiriwang ng Chinese New year.

Mensahe ng Kalihim na nawa sa paggunita ng Chinese New year ay magkaroon ng paggalang ang bawat isa tungo sa pagsunod sa mga international laws upang mapangalagaan ang soberanya ng bawat mamamayan.

“The Department of National Defense wishes the Chinoys a peaceful and prosperous New Year, let us welcome a year of growth, progress, and good fortune this Year of the Wood Dragon. May we seize this year of innovation and technology to create a nation of stability and prosperity under a regime of respect,” ayon sa mensahe ni Teodoro na ipinadala ng DND sa Radio Veritas.

Ayon pa sa mensahe ng Kalihim, nawa ay maging masagana ang bagong taon para sa komunidad kung saan magiging matagumpay ang mga pagsusulong ngayong 2024 ng higit na paggamit ng teknolohiya.

Sa bahagi ng simbahan, una ng naging mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Assistant Secretary-general Father Bryand Restituto sa Filipino-Chinese Community at mga mananampalataya na gamitin ang pagkakataon ng Chinese New Year upang mapaigting ang pananampalataya sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 4,775 total views

 4,775 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 32,780 total views

 32,780 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 50,580 total views

 50,580 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 50,382 total views

 50,382 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 162,722 total views

 162,722 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,271 total views

 9,271 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top