Mananampalataya hinimok ng Obispo na sama-samang manindigan sa kasagraduhan ng buhay

SHARE THE TRUTH

 1,019 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang taunang Walk for Life ay isang pambihirang pagkakataon upang maipamalas ng lahat ang sama-samang paninindigan sa kasagraduhan ng buhay.

Ito ang ibinahagi ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Vocations (ECV) kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024.

Ayon sa Obispo ang taunang gawain ay isang pagkakataon upang tuwinang maipamalas ng Simbahan ang pakikipaglakbay nito patungo sa iisang layunin na isulong ang karapatan, kasagraduhan at dignidad ng buhay ng bawat nilalang sa lipunan.

“Sana po ay maging opportunity ito yung Walk for Life, yung mission of accompaniment sa Simbahan. Ganyan naman talaga ang misyon ng Simbahan na ‘walk with’ not to be ahead, not to be behind but to walk with, at para sa akin ay isang pagkakataon ito na sabay sabay tumungo sa isang layunin na magkaroon ng buhay, makabuluhan na buhay ang lahat.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Ang taunang Walk for Life ay unang isinagawa noong taong 2017 na dinadaluhan ng mga laiko mula sa iba’t ibang diyosesis at lay organization na isinasagawa din sa iba pang diyosesis sa buong bansa.

Napiliping tema ng “Walk for Life 2024” ang “Together, We Walk for Life” na nakatakda sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.

Magsisimula ang paglalakad para sa buhay sa Welcome Rotonda, Quezon City patungo sa University of Santo Tomas (UST) Grandstand sa España, Manila kung saan inaasahang pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa.

Bukod kay Cardinal Advincula, inaasahan rin ang pakikibahagi sa nakatakdang Walk for Life 2024 nina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman, Dipolog Bishop Severo Caermare; at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pinupulitikang ayuda

 69,980 total views

 69,980 total views Mga Kapanalig, noong kasagsagan ng pandemya, naging matunog na salita ang “ayuda” o ang pinansyal na tulong na natanggap mula sa pamahalaan ng mga naapektuhan ng malawakang lockdown. Kahit tila balik na tayo sa normal na pamumuhay, nagpatuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng ayuda sa ilalim ng iba’t ibang programa nito. Pangunahing benepisyaryo

Read More »

Higit sa kita

 80,773 total views

 80,773 total views Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa.  Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong

Read More »

Huwag tayong titiklop, huwag tayong aatras

 86,179 total views

 86,179 total views Mga Kapanalig, ginunita pa rin sana natin kahapon, kahit hindi opisyal na holiday, ang ika-38 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.  Marami na sa atin marahil ang nakalimot na o hindi nalalaman ang apat na araw noong Pebrero 1986 kung kailan ipinamalas ng mga Pilipino ang masidhing pagnanais na makaroon ng pagbabago

Read More »

Cybercrime

 123,262 total views

 123,262 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 134,908 total views

 134,908 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
mjoshuadelapena

Emergency Operation Center, binuksan ng Caritas Philippines

 13,045 total views

 13,045 total views Patuloy ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga lubhang apektado ng low pressure area sa Mindanao. Inilunsad ng Humanitarian Office ng Caritas Philippines ang kanilang Emergency Operational Center upang agarang matukoy ang sitwasyon sa mga apektadong diyosesis at matugunan ang

Read More »
Environment
mjoshuadelapena

Mamamayan, hinimok sa pagtatanim ng kawayan

 5,011 total views

 5,011 total views Hinimok ng Archdioces of Jaro ang mamamayan na palalimin ang kaalaman sa pagtatanim ng kawayan sa buong Pilipinas. Ito ang mensahe ni Msgr.Meliton Oso – Social Action Director ng Arkidiyosesis sa paggunita ngayong buwan ng Setyembre bilang Philippine Bamboo month. Inihalimbawa ng Pari ang bayan ng Maasin sa Iloilo na kilala bilang ‘Bamboo

Read More »
Latest News
mjoshuadelapena

Pagiging strongest stalwart of justice, prophetic role ng CBCP sa administrasyong Marcos

 3,124 total views

 3,124 total views Suportado ng Citizens’ Rights Watch Network (CRWN) ang muling pagsusuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa pagiging kasapi ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ayon sa organisasyon na binubuo ng mga grupo ng propesyonal, mag-aaral, manggagawa at ecumenical

Read More »
Cultural
mjoshuadelapena

Paigringin ang panamagagi ng biyaya ng panginoon sa kapwa, hamin obispo ng Cubao sa mananampalataya

 2,375 total views

 2,375 total views Panatilihing nag-aalab ang biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan at maging daan sa higit na pagyabong at pamamahagi nito sa kapwa. Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa kaniyang Liham Pastoral bilang paggunita sa 20th Cannonical Establishment Anniversarry ng Diyosesis ng Cubao. Ayon sa Obispo, sa tulong ng regalong ng Panginoon sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top