1,380 total views
Namahagi ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa 100 mga kabataang estudyante sa San Rafael Mission Station sa Navotas City ng mga school supplies.
Ayon kay Sr. Arlyne Casas ng Notre Dame De Sion at convenor ng CWS National Capital Region bahagi ito ng pinaigting na pagmimisyon ng catholic group upang umagapay sa pag-aaral ng mga estudyante.
Sa anumang makakayanang halaga at malilikom na tulong ay ipinagpatuloy din ng CWS ang pag-aabot ng tulong sa anak ng mga maralitang manggagawa.
“Ang Church People Workers Solidarity (CWS) ay naniniwala na ang aming munting tulong ay isang simbolo na hindi sila nakakalimutan ng Diyos ang Diyos ay patuloy na tumutulong sa mga pangangailangan ng higit na nangangailangan sa pamamagitan ng ibat-ibang Religious Congregations, Institutions at mga organisasyong pamparokya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Sr.Casas sa Radio Veritas.
Nagpapasalamat din ang CWS sa mga naging bahagi ng gift giving sa mga kabataang estudyante katulad ng mga parokya sa lugar at ni Fr.Noel Octaviano ng Missionary of
Noong nakalipas na taon ay idinaos rin ng CWS ang kaparehong gawain kung saan nagkaroon ng donation drive para mabigyan ang piling bilang ng anak ng mga manggagawang naapektuhan ng pandemya sa Metro Manila.
August 29 2023 araw ng Martes magsisimula ang School Year 2023-2024 sa lahat ng pampublikong paaralan kung saan inaasahan na umabot o mahigit ang bilang ng 28-milyong enrolled students.