3,795 total views
Panatilihing nag-aalab ang biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan at maging daan sa higit na pagyabong at pamamahagi nito sa kapwa.
Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa kaniyang Liham Pastoral bilang paggunita sa 20th Cannonical Establishment Anniversarry ng Diyosesis ng Cubao.
Ayon sa Obispo, sa tulong ng regalong ng Panginoon sa Diyosesis na Masisiglang Santatlo, napatibay ng mga Pari, relihiyoso at Layko ang pundasyon ng Diyosesis upang palaganapin ang pag-ibig ng Diyos sa Sanlibutan.
“Ang liwanag ng ating Santatlo ay ang kanilang iba’t ibang talento sa pagpaplano, pag-coordinate at pagpapatupad ng ating mga gawain. Nagpapasalamat kami sa kanilang bukas-palad na pagbabahagi ng kanilang oras, talento, at yaman. Ipinapahayag din namin ang aming pasasalamat sa aming mga empleyado at sa hindi mabilang na tahimik na mga manggagawa na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa Simbahan sa maliit na paraan,” ayon sa mensahe ni Bishop Ongtioco na ipinadala ng Diyosesis ng Cubao sa Radio Veritas.
Nagpapasalamat rin ang Obispo sa mga bumubuo ng Diyosesis sa pananatiling matatag sa kabila ng mga hamon at suliranin na idinulot ng pandemya.
“Hindi tayo umaani para sa ating sariling kapakanan, bilang mabuting katiwala, patuloy tayong nagtatanim, patuloy tayong naghahasik, patuloy tayong maging liwanag na nagniningning para sa iba, upang makita ng lahat ang ating mabubuting gawa, at luwalhatiin ang Ama sa langit,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Ongtioco.
Ang Diyosesis ng Cubao ay binubuo ng 46-Pang Diyosesanong Pari, 136-Religous Congregations at daan-daang mga kawani.