DA, tutulungan ang LGUs na tugunan ang ASF sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 544 total views

Nakahandang tumulong ang Department of Agriculture sa Local Government Units (LGUs) upang matugunan ang suliranin ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon sa ahensya, batid nila na limitado lamang ang Quick Response Fund (QRF) ng ibang mga lokal na pamahalaan na gagamitin laban sa ASF dahil ang iba rito ay nagamit na bilang pantugon sa COVID-19 pandemic.

Bunsod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nationwide state of calamity dulot ng ASF outbreak, binigyan lamang ang mga LGU ng sapat na pondo, kabilang na rito ang QRF sa pagsisikap na matugunan ang pagkalat ng ASF.

Ang nasabing state of calamity sa ilalim ng Presidential Proclamation 1143 ay magtatagal ng isang taon, maliban na lamang kung ito’y bawiin nang maaga o palawigin pa.

Kaugnay nito, bumuo na rin ng research team ang DA upang mapag-aralan ang epekto ng anti-parasitic drug na Ivermectin upang matugunan ang suliranin sa ASF outbreak.

Kamakailan lamang ay ginawaran ng Food and Drug Administration ang Ivermectin bilang anti-nematode drug o human anti-parasitic treatment, ngunit hindi pa rin nakarehistro sa Pilipinas bilang panlunas sa COVID-19.

Batay sa pagsusuri ng Merck, ang pharmaceutical company na lumikha ng Ivermectin, na ito’y gamot sa mga hayop at walang siyentipikong batayan upang sabihing mabisa bilang lunas sa COVID-19.

Unang nakumpirma sa bansa ang ASF noong taong 2019, kung saan tinitingnan ng Department of Agriculture na nagmula ang outbreak dahil sa pag-angkat ng mga ilegal na karne ng baboy mula sa China.

Naitala ang Pilipinas bilang ikasampu sa pinakamalaking pork consumer sa mundo habang ikapito naman sa pinakamalaking pork importer.

Nasasaad sa Kawikaan, kabanata 27 talata 23 na ang mga alagang hayop ay dapat mabantayan katulad ng mabuting pag-aalaga sa kawan ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 91,324 total views

 91,324 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 91,324 total views

 91,324 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 91,324 total views

 91,324 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 88,588 total views

 88,588 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 80,937 total views

 80,937 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top