Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ayuda at bakuna, hindi buhangin

SHARE THE TRUTH

 160 total views

Mga Kapanalig, sa halip daw na lumabas ng bahay at pumila sa mga community pantries upang makakuha ng pagkain, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga Pilipinong maghintay na lang ng ayuda mula sa pamahalaan. Maghintay na lang daw ang mga walang makain at nagugutom. Maghintay na lang daw ang mga walang trabaho.

Ngunit kung talagang nariyan ang ayuda mula sa pamahalaan, magtitiyaga bang pumila ang mga kababayan natin sa mga community pantries? Mabuti na lamang at patuloy ang pagbabahagi ng mga may mabubuting-loob at ang pagdadamayan ng mga mamamayan, kaya’t habang naghihintay ang mga kababayan natin sa sinasabing tulong mula sa pamahalaan, mayroon silang maidadagdag sa kanilang ihahain mula sa community pantries.

Kung inilaan na lang sana sa ayuda ang 265 milyong pisong pondong gagamitin sa second phase ng Manila Bay Beach Nourishment Project, tiyak na marami ang makabibili ng pagkain at iba pa nilang pangangailangan. Ganitong kalaking pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa pagtatambak muli ng buhangin sa maliit na bahagi ng dalampasigan ng Manila Bay. Bahagi raw ito ng pagpapanumbalik ng ganda ng Manila Bay. Pondo itong inilagak sa Department of Environment and Natural Resources (o DENR) para sa proyektong ang Department of Public Works and Highways (o DPWH) ang magpapatupad.

 

PSD Toktok

 

Kung gagamitin natin ang pinakamababang halaga ng ayudang ipinamahagi sa ilalim ng Social Amelioration Program (o SAP) na limanlibong piso, ang 265 milyong pisong gagamiting pambili ng dinurog na dolomite ay makatutulong na sa mahigit 50,000 na pamilya. Marami rin ang mabibiling bakuna laban sa COVID-19 gamit ang pondong ito lalo na’t hanggang ngayon, kakaunti pa lamang ang dumarating na bakuna, karamihan pa sa mga ito ay donasyon. Mas marami pa ang maaaring matulungan kung isasama pa natin ang ginastos ng pamahalaan sa unang phase ng proyektong ito sa Manila Bay na umabot sa 389 milyong piso. At nitong Abril nga, nagtambak muli ng dolomite sa baywalk. Sa kabuuan, 1.7 bilyong piso ang gugugulin para sa Manila Bay Rehabilitation Program.

Hangad nating lahat na maibalik ang ganda at panatilihing malinis ang Manila Bay, ngunit nakalulungkot lamang na nasabay ito sa pagtugon ng pamahalaan sa krisis na dala ng nagpapatuloy na pandemya. Napakahirap matanggap na habang napakaraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay at mga pamilyang hindi na kumakain nang sapat at maayos, nakikita natin ang pamahalaang nagpapatupad ng mga proyektong hindi makapaglalagay ng laman sa mga kumakalam sa sikmura. Sinabi pa noon ng tagapagsalita ng pangulo na makatutulong ang white sand beach ng Manila Bay sa ating mental health, mga salitang makaiinsulto sa mga hanggang ngayon ay nababalisa sa takot at nalulugmok sa lungkot.

Sa Catholic social teaching na Mater et Magistra, sinabi ni Pope John XXIII na tungkulin ng Estado, sa pamamagitan ng pamahalaan, na gamitin ang kapangyarihan nito upang itaguyod ang kabutihang panlahat o common good at upang tiyaking nakakamit ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap, ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Sa pagganap sa tungkuling ito, napapatunayan natin ang sinasabi sa Roma 13:1 na ang Diyos ang nagtatatag ng mga pamahalaang umiiral. Ngunit kung hindi, tungkulin nating mga mamamayang aulit-ulit na paalalahanan ang mga namumuno sa ating bayan.

Mga Kapanalig, hindi natin alam kung paano nagagawa ng ating mga lider sa pamahalaan na bigyang-katwiran ang pagtatambak ng buhangin sa Manila Bay sa harap ng napakaraming pangangailangan ng mga kababayan nating naapektuhan ng pandemya. Bagamat nakatataba ng puso ang ating pagbabayanihan, huwag nating kalimutang tungkulin pa rin ng ating pamahalaan na gamitin ang pondong mula sa ating mga buwis para sa ating kapakanan lalo na ngayong humaharap pa rin tayo sa napakatinding hamong dala ng pandemya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,830 total views

 7,830 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 20,970 total views

 20,970 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 26,943 total views

 26,943 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,698 total views

 32,698 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 39,960 total views

 39,960 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,831 total views

 7,831 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 20,971 total views

 20,971 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 26,944 total views

 26,944 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 32,699 total views

 32,699 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 39,961 total views

 39,961 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,189 total views

 41,189 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,570 total views

 36,570 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,574 total views

 48,574 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,616 total views

 56,616 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,173 total views

 48,173 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,598 total views

 46,598 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,384 total views

 48,384 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,309 total views

 45,309 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,623 total views

 59,623 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,313 total views

 63,313 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top