DA, tutulungan ang LGUs na tugunan ang ASF sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 664 total reads

Nakahandang tumulong ang Department of Agriculture sa Local Government Units (LGUs) upang matugunan ang suliranin ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon sa ahensya, batid nila na limitado lamang ang Quick Response Fund (QRF) ng ibang mga lokal na pamahalaan na gagamitin laban sa ASF dahil ang iba rito ay nagamit na bilang pantugon sa COVID-19 pandemic.

Bunsod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nationwide state of calamity dulot ng ASF outbreak, binigyan lamang ang mga LGU ng sapat na pondo, kabilang na rito ang QRF sa pagsisikap na matugunan ang pagkalat ng ASF.

Ang nasabing state of calamity sa ilalim ng Presidential Proclamation 1143 ay magtatagal ng isang taon, maliban na lamang kung ito’y bawiin nang maaga o palawigin pa.

Kaugnay nito, bumuo na rin ng research team ang DA upang mapag-aralan ang epekto ng anti-parasitic drug na Ivermectin upang matugunan ang suliranin sa ASF outbreak.

Kamakailan lamang ay ginawaran ng Food and Drug Administration ang Ivermectin bilang anti-nematode drug o human anti-parasitic treatment, ngunit hindi pa rin nakarehistro sa Pilipinas bilang panlunas sa COVID-19.

Batay sa pagsusuri ng Merck, ang pharmaceutical company na lumikha ng Ivermectin, na ito’y gamot sa mga hayop at walang siyentipikong batayan upang sabihing mabisa bilang lunas sa COVID-19.

Unang nakumpirma sa bansa ang ASF noong taong 2019, kung saan tinitingnan ng Department of Agriculture na nagmula ang outbreak dahil sa pag-angkat ng mga ilegal na karne ng baboy mula sa China.

Naitala ang Pilipinas bilang ikasampu sa pinakamalaking pork consumer sa mundo habang ikapito naman sa pinakamalaking pork importer.

Nasasaad sa Kawikaan, kabanata 27 talata 23 na ang mga alagang hayop ay dapat mabantayan katulad ng mabuting pag-aalaga sa kawan ng Panginoon.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,659 total reads

 17,659 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,786 total reads

 17,786 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,171 total reads

 32,171 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,577 total reads

 88,577 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,078 total reads

 212,078 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,898 total reads

 295,898 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,790 total reads

 175,790 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top