Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dalhin ang templo ng Panginoon, hamon ni Cardinal Tagle sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 306 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na pabanalin ang sarili sa bahay dalanginan at pabanalin din ang gusali ng simbahan.

Ayon kay Cardinal Tagle, napapabanal din ang mga simbahan sa pagpunta at pananalangin ng mga mananampalataya.

Tiniyak din ng Kardinal na ang panalangin ng mga mananampalataya ang siyang nagpapabanal sa gusali dahil ang mga tao ang bumubuo sa templo ng simbahan.

“Kapag laging may banal na bayan na pumupunta dito, tumatangis dito, umiiyak, umaasa, nag papabinyag, nagpapakasal, nag papakumpil, na ngungununyon, nagbabalik loob, at sa katapusan ay dito rin tatanggapin ang dangal ng pagkalibing bilang anak ng Diyos, ang bawat bahagi ng simbahang ito ay lalong nagiging banal.” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Hinamon din nito ang mga mananampalataya na sa paglabas sa simbahan ay dalhin ang templo ng Panginoon saan man sila magpunta.

“Bilang buhay na gusali ni Kristo dala natin ang pagiging templo sa bahay, barangay, eskwela, palengke, trabaho, traffic, lahat yan dala natin ang buhay na gusali ng Diyos at iisa lang ang punadasyon si Kristo.” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Noong ika-5 ng Disyembre, pinangunahan ng Arsobispo ang pagtatalaga sa simbahan ng Most Holy Trinity Parish, sa Balic-balic, Sampaloc, Maynila.

Kaisa ni Cardinal Tagle sa pagtatalaga ng dambana ng Panginoon ang mga Obispong sina, Military Ordinariate Bishop Oscar Florencio, Infanta Bp. Bernardito Cortez, San Pablo Bp Buenaventura Famadico, Urdaneta Bp. Jacinto Jose, Gumaca Bp. Victor Ocampo, Bangued Bp. Leopoldo Jaucian, Tarlac Bp. Enrique Macaraeg, at Cubao Bp. Honesto Ongtioco.

Ang Church Dedication ay isang liturgical rite kung saan itinatalaga ang simbahan o ang dambana bilang lugar dalanginan at lugar ng pagsamaba sa Panginoon.

Itinuturing itong isa sa mga pinaka sagradong liturgical services ng simbahan at marapat lamang na ang isang gusali na binuo upang maging lugar dalanginan ay maitalaga sa Panginoon.

Taong 1890, nagsimula ang simbahan ng Most Holy Trinity sa isang funeral Chapel, matapos itong masira sa digmaan, muling inayos at nagkaroon ng banal na misa sa kauna-unahang pagkakataon noong taong 1925.

1932 naman nang pormal na binasbasan ang simbahan at tinawag na Iglesia de Santissima Trinidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 23,844 total views

 23,844 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 37,904 total views

 37,904 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 56,475 total views

 56,475 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 81,166 total views

 81,166 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 169,369 total views

 169,369 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 113,215 total views

 113,215 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567