VeritasPH

The Word, The Truth

 227 total views

Homiliya para sa pang-apat na Simbang Gabi, ika-apat na Linggo ng Adbiyento, Lukas 1:39-45

Sa panahong ito ng mga trahedyang katulad ng kalamidad na dulot ng Typhoon Odette sa Visayas at Mindanao, isang diwa ang kailangan nating panatilihing buhay sa ating kamalayan: ang pagdadamayan. Ito rin ang diwang hatid nina Elisabet at Maria sa isa’t isa, sa panahon ng pagharap nila sa mga matinding hamon sa buhay nila.

Ang salitang DAMAY sa Pilipino ay pwedeng negatibo, at pwede ring positibo. Pag wala ka namang kasalanan pero napagbintangan ka sa krimen na di mo naman ginawa dahil involved pala ang isang kaibigan mo, NADAMAY ka. Negatibong damay iyon. Tuloy, may mga taong nadadalâ at nagsasabing, “Ayoko na ngang makialam sa usapang iyan, baka madamay pa ako.” Pag ganoon, kahit mga testigo sa krimen tumatahimik. Takot madamay.

Sa mga slum communities namin na madalas masunugan, madalas ko ring marinig ang sumbátan. “Sa kapitbahay daw po nanggaling ang sunog dahil naiwan ang niluluto niya. NADAMAY tuloy kami at ang lahat ng mga kapitbahay dahil sa kapabayaan nila.”

Pero madalas din naman nating gamitin sa positibong pakahulugan ang salitang DAMAY. Di ba PAKIKIRAMAY ang tawag natin sa pagbibigay-abuloy o anumang tulong sa mga namatayan, lalo na sa mga tinamaan ng Covid? Hindi natin malimut-limutan ang mga taong DUMAMAY sa atin sa kahirapan at naging daan upang makaraos sa pagsubok.

Iyon ang sinasabi ng lumang kanta ni Florante—nag-aalay ng awit bilang pasasalamat sa mga taong dumamay sa kanya: “Parang kailan lang, halos ako ay magpalimos sa kalsada. Dahil sa inyo, ang aking tiyan at ang bulsa’y nagkalaman…”

May alam akong isang French song na parang ganoon din ang mensahe. Komposisyon ni Georges Brassens, isang popular na French singer na katumbas ni Totoy Bato ng Pampanga. Dedicated ang kanta sa L’Auvergnat, o isang taong taga-bayan ng Auvergne, na nagbigay daw sa kanya ng apat na pirasong tinapay nang minsang nagutom siya at panahon ng winter. Sabi niya, “Marahil maliit na bagay lang iyon sa kanya, pero malaking bagay sa akin. Nagdulot ng init, hindi lang sa tiyan ko kundi rin sa kaluluwa ko.” https://duckduckgo.com/?q=l’auvergnat%20youtube&t=iphone…

Ang kuwento ng pagdalaw ni Maria kay Elisabet ay kuwento ng pagdamay. Pareho silang nasa sandali ng buhay nila na mayroon silang matinding pinagdadaanan na hindi madaling ipaliwanag sa iba. May mga ganyang panahon sa buhay ng tao na parang hindi mo na alam ang gagawin, wala kang malapitan o matakbuhan.

Sabi ni San Lukas, nagtago si Elisabet nang limang buwan. Bakit? Ikaw ang lumagay sa kalagayan niya: nabuntis ka sa katandaan. Tas, imbes na matuwa ang mister mo, bigla siyang napipi at hindi ka na kinakausap. Pati mga kamaganak pinagpyestahan ka ng tsismis at intriga. Ganyan din ang kalagayan ni Maria. Nakatakdang ikasal kay Joseph, tapos bigla siyang mabubuntis nang hindi pa sila nagsasama? Paano niya ie-explain ito kay Joseph o sa parents niya at mga kamaganak niya, e sa kanya lang naman nagpakita ang anghel?

Parang ganito ang sinasabi ng isa pang kanta na komposisyon naman ni Tony Bennett: Who can I turn to? Maraming nakaka-relate sa kantang ito sa mga panahon natin ngayon. Lalo na sa mga kabataan na dumaranas ng depression. Ramdam mo sa kanta ang dinaranas ng isang taong parang nawawalan ng pag-asa, o natatakot na mahusgahan, kaya kahit sa magulang o sa kaibigan hindi makalapit. May parte sa kanta na may pagka-cryptic ang sinasabi. Sabi niya,

“Who can I turn to
When nobody needs me?
My heart wants to know
So I must go
‘Where destiny leads me,’
With no star to guide me
And no one beside me..”

Ano kaya ang ibig sabihin ng “where destiny leads me?” Hindi kaya parang sinasabi niya na natutuksong na siyang tapusin ang buhay niya—dahil wala siyang malapitan upang gabayan siya o damayan siya.

Pag ganitong kalamidad, hindi naman gubyerno o simbahan o mga NGO ang unang dumadamay. Siyempre, hindi naman sila makakapagpadala ng tulong agad-agad. Ang unang magdadamayan ay sila-sila din mismo, silang mga nasalanta ng bagyo. Dahil walang kuryente at walang makuhang news, paghupa ng bagyo, maglalabasan sila at magmamasid sa paligid, sa mga kabarangay para alamin ang kalagayan ng isa’t isa. Depende sa antas ng pamumuhay, magkakaiba ang tindi ng perwisyong dumapo sa kanila.

Naalala ko ang kwento ng isang ale sa evacuation Center noong panahon din ng alamidad na dulot ng lahar ng bulkang Pinatubo. Biglaan ang bagsak ng lahar minsan isang gabi. Sa umaga na niya nalaman na nalubog hanggang kisame ang marami sa mga bahay nga mga kabarangay niya. Nagsipag-akyatan sila sa bubong at doon naghintay ng rescue. Swerte pa daw siya dahil may second floor pa ang bahay nila, kaya nagtanggal ang mga anak niya ng ilang yero sa nalubog nilang kusina para makatapak sila sa lahar na parang kumunoy pa, at para makatawid upang damayan ang mga kapitbahay nila. Tinulungan silang tumawid at pinatuloy sila sa second floor ng bahay nila. Wala pang rescue operations noon kaya wala pang dumarating na relief goods.

Naluluha siya nang ikwento niya na ang dami nila sa bahay pero halos isang dangkal na lang sa timbang plastic ang bigas nilang natitira. Buti na lang daw at may kitchen sa second floor ng bahay nila dahil doon nakatira ang anak niyang may sarili nang pamilya. Imbes na isaing ang natitira nilang bigas, dinagdagan daw niya ng tubig at asin at chicken cube na pampalasa at ginawang lugaw, para mas marami ang makakain. Kaya hindi sila nagutom.

Ang isang mangkok ng lugaw, hindi lang tiyan ang kayang painitin kundi puso din. Nakakalakas kasi ng loob ang maramdaman mong hindi ka nag-iisa, meron kang karamay. Konting lugaw lang pero naramdaman mo ang tunay na pagdamay. Higit sa lahat, ang kailangan natin ay hindi lang materyal na bagay kundi ang pagkalinga at pagdadamayan nila sa isa’t isa. Iyon ang malakas magpabangon sa atin sa pagkakalugmok.

May twist na kaunti ang kwento ng visitation. Si Mariang pasorpresang dumadalaw ang nasurpresa sa bandang huli. Ni hindi pa siya nagkukuwento, bigla ba namang isinalubong sa kanya ni Elisabeth, “Mapalad ka sa babaeng lahat, at mapalad din ang sanggol na dinadala mo.” Speechless tuloy si Maria. Sabi siguro niya, “Ha? Pa’no mo nalaman?”

Sinagot din agad ni Elisabeth ang tanong sa loob ni Maria, “Paano bang di ko malalaman, pati nga ang bata sa sinapupunan ko, alam niya! Sumipa pa nga siya sa pagkasabik nang marinig ang pagbati mo, pagdating mo. Mapalad ka dahil nanalig ka sa salitang binitawan sa iyo ng Panginoon.”

Walang ipinagkaiba ang eksenang ito sa isang kaibigan na magsasabi sa kaibigan niya, “Pano kong hindi malalaman e kaibigan kita? Kilala kita. Di ka naman iba sa akin.” Noon lang matatauhan ang kaibigan. Ang sitwasyong madilim parang lumiliwanag, ang sandaling parang disgrasya ay may hatid palang grasya. Isang bagong kabanata pala ang binubuksan ng Diyos sa buhay niya, na hindi sana niya nakita kung hindi siya dumamay. Nagbabago ang lahat kapag ang nangangailangan ng pagdamay ang siya pang dumadamay sa iba.

Ang engkwentro nina Elisabeth at Maria ay hindi nauwi sa palitan lang ng mga hinagpis sa buhay. Naging isang palitan ng grasya, ng mga karanasan ng pagpapala. May mga ganitong sandali sa buhay natin—mga sandali na akala mo ang mundo’y gumuguhô. Iyon pala, ang mga plano ng Diyos para sa atin ay nagsisimula pa lang na mabuô.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,454 total views

 1,454 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,440 total views

 17,440 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,485 total views

 25,485 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,565 total views

 30,565 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,271 total views

 36,271 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,610 total views

 2,610 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,026 total views

 7,026 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,352 total views

 2,352 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,875 total views

 2,875 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,374 total views

 4,374 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,218 total views

 5,218 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,473 total views

 3,473 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,686 total views

 7,686 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,919 total views

 6,919 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,131 total views

 11,131 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,579 total views

 4,579 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,583 total views

 4,583 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,583 total views

 4,583 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,575 total views

 4,575 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,575 total views

 4,575 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top