Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Day of Prayer for Peace,’: Pakikiisa ng sambayanan sa mga nagdurusa dulot ng digmaan

SHARE THE TRUTH

 24,916 total views

Mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa pananalangin para sa kapayapaan lalo’t nailalagay sa panganib ng digmaan ang katiwasayan ng buong mundo.

Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa pagtalima sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa gaganaping International Day of Prayer and Fasting para sa kapayapaan ng daigdig.

Ang panawagan ni Pope Francis ay kaugnay na rin sa mga nagaganap na kaguluhan sa Middle East, maging sa Ukraine at ilan pang mga bansa.

Sinabi ng obispo na sa pagbubuklod ng pamayanan sa panalangin ay masusumpungan ang liwanag ng pag-asang hatid ng Panginoong Hesukristo sa sanlibutan.

“This day is not only to show solidarity with the people who are affected but it is also a source of hope in this world that is plagued by strife,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang Day of Prayer and Fasting for Peace ay gaganapin bukas October 27 para sa natatanging intensyon ng kapayapaan ng buong mundo.

Binigyang diin ni Bishop Santos, ang CBCP Bishops Promoter ng Stella Maris Philippines na ang pakikiisa sa gawain ay paghahayag ng pananampalataya sa Panginoon.

“By committing ourselves to take part in this event, it will not only keep us in tune with God, who is the fountain of grace and mercy, but it will also translate our faith into action,” ayon pa sa obispo.

Nanawagan naman ang Archdiocese of Manila at iba pang diyosesis sa bansa na magsagawa ng Holy Hour for Peace at pagdiriwang ng misa sa itinakdang petsa.

Sa datos ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights nasa sampung libong sibilyan na ang nasawi sa digmaan sa Ukraine-Russia war habang limang libo naman sa Israel-Hamas war.

Ayon naman sa ulat ng United Nation’s Office for the Coordination of Humanitarian Affairs patuloy ang pagdami ng Palestinian refugees na kinakanlong sa UN Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA) shelters sa Gaza na umabot na sa 629, 000 mula nang sumiklab ang kaguluhan noong October 7.

Panawagan ng santo papa sa naglalabang mga bansa ang dayalogo upang manaig ang pagkakasundo na daan tungo sa mas mapayapang lipunan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 65,028 total views

 65,028 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,803 total views

 72,803 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,983 total views

 80,983 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,691 total views

 96,691 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,634 total views

 100,634 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top