Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Day of Prayer for Pope Francis, idineklara ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

 15,333 total views

Idineklara ng Diyosesis ng San Pablo ang ika-25 ng Pebrero, 2025 bilang Day of Prayer for Pope Francis.

Batay sa tagubilin ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ay iaalay ng buong diyosesis ang lahat ng mga isasagawang banal na misa at banal na oras sa mga parokya at religious communities ngayong araw para sa pananalangin sa paggaling ng punong pastol ng Simbahan.

Tinatawagan rin ng Obispo ang bawat mananamapalataya na ipanalangin sa mapagpahimala at mapagpagaling na Panginoon ang paghilom kay Pope Francis mula sa kanyang mga karamdaman.

“Upon the instruction of Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr, the Diocese of San Pablo has set February 25, 2025 (Tuesday) as a Day of Prayer for Pope Francis. Parishes and religious communities are asked to offer Mass and Holy Hour for the healing of the Holy Father. We join together as a local church to pray for our beloved “Lolo Kiko”.” Bahagi ng tagubilin ni Bishop Maralit.

Batay sa tagubilin ng Obispo, dadasalin ang ‘Panalangin para kay Papa Francisco’ bago o pagkatapos ang banal na misa.

Ito ang tugon ni Bishop Maralit kasunod ng panawagan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa pananalangin sa ganap na kagalingan ni Pope Francis.

Batay sa pinakahuling ulat ng Vatican patuloy ang gamutan at mga pagsusuri sa kalagayan ng 88-taong gulang na Santo Papa sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma habang patuloy na isinasailalim sa iba’t ibang diagnostic test upang matiyak ang paggaling mula sa respiratory infection na dahilan ng kanyang pagkakaospital noong ika-14 ng Pebrero, 2025.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,802 total views

 82,802 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,577 total views

 90,577 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,757 total views

 98,757 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,289 total views

 114,289 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,232 total views

 118,232 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,784 total views

 23,784 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,456 total views

 24,456 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top