Death penalty, isang quick-fix solutions

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total views

Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na maaring magbago ang mga makasalanan.

Ayon kay Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ito ay kung lilikha ng mga programa na magbibigay ng pagkakataon sa mga nasa piitan ng bagong buhay lalu na sa kanilang paglaya.

“I’ve been on the prison ministry since 1976 and I am a witness doon sa mga pagbabagong naganap. In fact sa Pilipinas, ang rate of recidivism ay mababa. So yung sasabihin na hindi sila natututo, natututo naman talaga sa pagbabago. Basta na-create mo yung environment na kung saan sila ay maaaring mabigyan ng bagong buhay,” ayon kay Diamante.

Tinukoy ni Diamante ang ginagawang adbokasiya ng simbahan na paghuhubog sa mga nakakulong at mga pagsasanay nang sa gayun ay maging handa sa buhay laya.

“Basta nabigyan sila ng pagkakataon. Ang problema lang sa system natin, for example, mahihirapan na sila makapasok sa trabaho kasi nga sila ay convicted prisoner, so minsan hindi nila sasabihin na sila ay convicted prisoner.” pahayag ni Diamante

Ang pahayag ng opisyal ay kaugnay sa muling pagsusumite ng death penalty bill sa Senado bilang parusa sa mga drug trafficker at plunderers.

Nagkakaroon naman ng agam-agam si Diamante sa pagdalo sa mga inaasahang mga pagdinig lalu’t tila sarado na ang kaisipan ng mga mambabatas para pakinggan ang mga tutol sa parusang bitay.

“Studying this criminal justice system, mas gusto nila yung quick fix solusyon, kaya minsan yung hearing na kino-conduct, ay sayang lang ang pera ng bayan, sayang din ang oras, kasi hindi naman talaga sila open sa pakikinig,” ayon pa kay Diamante sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Diamante na marami nang mga pag-aaral ang nagsasabing hindi ang capital punishment ang tugon sa mga suliranin ng lipunan tulad ng talamak na droga, krimen at pandarambong.

Kamakailan lamang ay muling umapela ang Santo Papa Francisco sa mga bansang umiiral ang death penalty na iwaksi ang batas bilang pagkilala sa pangunahing karapatan ng bawat tao ang karapatan na mabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 72,008 total views

 72,008 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 72,008 total views

 72,008 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 72,008 total views

 72,008 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 69,786 total views

 69,786 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 63,800 total views

 63,800 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top