Debosyon sa Our Lady of Manaoag, tugon sa lumalalang kultura ng kasinungalingan at manipulasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total views

Iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Manaoag ay mahalagang tugon sa lumalalang kultura ng kasinungalingan at manipulasyon sa lipunan.

Ito ang pahayag ng arsobispo sa ginanap na press conference sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, nitong April 7 kaugnay sa paghahanda sa 100th canonical coronation anniversary ng Birhen ng Manaoag.

Babala ni Archbishop Villegas ang paglaganap ng fake news at magkakasalungat na paniniwala na humihingi ng tiwala ng publiko.

“There is only one voice that is necessary, and that is the voice of God, that is the voice of truth,” ayon kay Archbishop Villegas.

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang Manaoag ay nagsisilbing tinig na nag-aanyaya na pakinggan ang tinig ng katotohanan na nagmumula sa Diyos.

“Manaoag and the devotion to Our Lady of Manaoag are among our antidotes to the culture of fake news, to the culture of manipulating public beliefs and public perception,” ani ng arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na sa gitna ng digmaan at karahasan sa mundo, ang mensahe ng isang ina, ang lambing, habag at awa, ang tunay na lunas.

“We should not be afraid to be merciful… because mercy, compassion, and tenderness are qualities of strong people,” ani Archbishop Villegas.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na palalimin ang buhay-pananalangin at iginiit na ang kapayapaan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng Diyos.

“If there is to be peace, it will come from God through the hands of Our Lady,” dagdag pa ng arsobispo.

Sa paggunita sa ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Birhen ng Manaoag sa April 22, 2026, binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang panawagan ng Manaoag ay para sa katotohanan, habag at kapayapaan—hindi lamang para sa Pilipinas kundi para sa buong mundo.

Ilan sa mga nakatakdang gawain para sa pagdiriwang ang muling pagtatalaga ng dambana sa April 21 sa alas 4 ng hapon na pangungunahan ni Archbishop Villegas, habang sa April 22 ng alas 9 ng umaga isasagawa ang reenactment ng pagpuputong ng korona sa Birhen na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, at sa alas 4 ng hapon naman ang pontifical mass na susundan ng prosesyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 59,088 total views

 59,088 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 81,198 total views

 81,198 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 157,136 total views

 157,136 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 156,847 total views

 156,847 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top