2,335 total views
Nakiisa ang Diyosesis ng Baguio sa buong Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng Season of Creation kasabay ng panawagan sa mananampalataya na magkaisa at magtulungang pangalagaan ang kalikasan.
Sa liham pastoral ng ni Bishop Victor Bendico binigyang diin ang kasalukuyang nangyayari sa kalikasan na nakasasama sa nag-iisang tahanan ng daigdig.
Inihayag ng Obispo na bagamat nakapagpahinga ang kapaligiran sa pagpatupad ng lockdown ng iba’t- ibang bansa sa usok ng mga sasakyan, factory at iba pang uri ng polusyon, tinukoy nito ang iba pang paraan ng pagsira ng kalikasan tulad ng;
1.) Developmental aggression with collateral damage to the environment and ecosystem tulad ng pamumutol ng mga pine trees upang bigyang daan ang pagtatayo ng condominium unit,
2.) Aggressive commercial farming and the cash crop mentality,
3.) Unregulated small scale mining and the irresponsible disposal of chemicals to our waterways and rivers,
4.) Calamitous erosions, at ang
5.) Consumerist mentality and waste management problem.
Sa pagdiriwang ng Season of Creation, nais ng diyosesis na palawakin pa ang pagpapalaganap sa kaalaman ng wastong pangangalaga sa kalikasan upang magkaisa ang mamamayan sa pagtugon sa krisis pangkalikasan.
Ayon sa Obispo, nawa’y alalahanin ng bawat isa ang kahalagahan ng kalikasan para sa tao.
Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Jubilee for the Earth’ na magtatapos sa ika-11 ng Oktubre sa pagunita ng pandaigdigang araw ng mga katutubo na may malaking ambag sa pangangalaga ng kalikasan.