Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Opisyal ng CBCP, ipinagdarasal na magkaroon ng accountability ang bawat tao

SHARE THE TRUTH

 484 total views

Umaasa ang isang Camillian priest na tulad ng Mahal na Birheng Maria ay malaman at maunawaan ng bawat isa ang kanilang mga gampanin sa buhay.

Ito ang pagninilay ni Rev. Fr. Dan Cancino, MI sa Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon sa Pari na siya ring Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Health Care, kabilang sa mga gampanin ng bawat isa ngayong panahon ng pandemya ay ang pagkakaroon ng accountability o pananagutan.

Paliwanag ni Fr. Cancino mahalaga ang pananagutan ng bawat isa hindi lamang para sa kapwa kundi maging para sa bayan at sa Panginoon.

“Magmula ng siya ay mag-oo sa kalooban ng Diyos hanggang sa paanan ng krus hindi nanghina si Maria sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, alam niya ang kanyang gampanin at nawa itong birthday ng ating Inang si Maria malaman din natin ang ating gampanin. Ang gampanin natin sa panahon ng COVID ay ang gampanin na tinatawag kung tayo ay may accountability sa ating kapwa, tayo ay may accountability sa ating bayan at tayo din ay may accountability sa ating Panginoong Diyos.”pagninilay ni Fr. Cancino sa misa sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Pari na mahalagang tupdin ang gampanin na itinatas ng Panginoon sa bawat isa bilang Filipino, anak ng Diyos at miyembro ng komunidad.

Iginiit ni Fr. Cancino na gaano man kaliit o kalaki ang gampanin na ipinagkaloob ng Diyos ay kinakailangan itong magawa bilang isang tunay at ganap na lingkod ng Panginoon.

“Tuparin natin ang ating gampanin bilang Filipino, bilang anak ng Diyos, bilang miyembro ng pamilya, bilang miyembro ng sambayanan, bilang miyembro ng ating mga grupo dahil sa simple, mababang gampanin natin kahit gaano kaliit iyan matutupad natin ang kalooban ng Diyos.” Dagdag pa ni Fr. Cancino.

Kabilang sa mga tinukoy ng Pari na simpleng gampaning dapat tupdin ngayong pandemya ay ang pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa mga safety health protocols.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,960 total views

 70,960 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,955 total views

 102,955 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,747 total views

 147,747 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,718 total views

 170,718 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,116 total views

 186,116 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,669 total views

 9,669 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 60,224 total views

 60,224 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 37,815 total views

 37,815 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 44,754 total views

 44,754 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,209 total views

 54,209 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top