Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DENR, hinamong isapubliko ang legal justification ng Manila bay white sand project

SHARE THE TRUTH

 450 total views

Binatikos ng Ecowaste Coalition ang kadu-dudang white sand beach beautification project ng pamahalaan para sa Manila Bay sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Hinamon din ni Ecowaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero ang Department of Environment and Natural Resources at Department of Public Works and Highways na isapubliko ang lahat ng mga dokumento na magpapatunay na legal ang beautification project.

“As the public have the right to know, we urge the DENR and the DPWH to post on their websites all pertinent documents that will provide environmental, health, legal and financial justification for pursuing this beautification project,”, ayon kay Lucero.

Nais ng grupo na ilahad ng DENR at DPWH sa mamamayan kung kanilang isinasaalang-alang ang maaaring maging epekto ng proyekto sa marine at coastal ecosystem gayundin sa kalusugan ng tao.

Ipinasasapubliko rin ng ECOWASTE Coalition kung magkano ang magagastos na buwis ng taumbayan sa patuloy na pagbabantay at pagpapanatili sa inilagay na white sand na maaari sanang magamit sa pagtulong sa mga mahihirap na apektado ng pandemya.
“We want to know if the implementing agencies have considered potential harm to the marine and coastal ecosystems and to human health, and how much of taxpayers’ money will be required for the continuing monitoring, maintenance and replenishment of the ‘white sand’ beach, which could be used for truly rehabilitating Manila Bay and for supporting the poor who depend on it for their livelihood,” ayon sa pahayag ni Lucero.

Kaugnay nito, nagbabala si Department of Health Undersecretary at spokesperson Dr. Maria Rosario Vergeire sa masama at mapanganib na epekto ng white sand sa kalusugan ng tao.

Batay sa pag-aaral ng D-O-H, ang crushed dolomite na inilalagay sa bahagi ng Manila Bay ay maaaring magdulot ng eye irritation, respiratory problems kapag ito’y nalanghap, pananakit ng sikmura at diarrhea kapag naman ito’y nakain.

Naunang nagpahayag ng pagkadismaya si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, kaugnay sa hindi napapanahong proyekto ng kagawaran sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa.

Read: https://www.veritas846.ph/obispo-dismayado-sa-white-sand-project-sa-manila-bay/

Ayon sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pagpapatupad ng gobyerno ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,977 total views

 42,977 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,458 total views

 80,458 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,453 total views

 112,453 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,192 total views

 157,192 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,138 total views

 180,138 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,398 total views

 7,398 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,977 total views

 17,977 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,111 total views

 7,111 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top