Immaculate Conception cathedral sa Pasig, binuksan sa kaarawan ng birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,140 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na patuloy magtiwala sa Panginoon sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap dulot ng krisis pangkalusugan.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, ang Southwest Luzon Representative ng CBCP Permanent Council, marapat tularan ang Mahal na Birheng Maria na buong kababaang loob na tinanggap ang maging Ina ng Anak ng Diyos sa kabila ng mga takot at pangamba.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng kapistahan ng kapanganakan ng Mahal na Ina nitong ikawalo ng Setyembre.

Ipinaalala ng Obispo sa bawat isa na maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay.

“Sa gitna ng pandemya marami ang nangangamba, may matitinding takot ngunit sa lahat ng iyan ay panghawakan natin ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos; na hindi tayo pababayaan ni Hesus,” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Partikular na tinukoy ng obispo ang mga frontliners sa lipunan na puno rin ng pangamba sa sariling kaligtasan mula sa nakahahawang COVID-19 at ang pagkasabik na makapiling ang pamilya.

Dahil dito hinimok ni Bishop Vergara ang mamamayan na ipagdasal ang mga medical at service frontliners upang maibsan ang kanilang nararamdamang takot at pagod sa paglilingkod sa mamamayan.

PASIG CATHEDRAL REOPENING

Ikinagalak din ni Bishop Vergara ang muling pagbubukas ng Immaculate Conception Cathedral sa mismong kaarawan ng Mahal na Birheng Maria.

Paliwanag ng obispo makahulugan ito lalo’t ang kapangakan ay simbolo ng bagong simula.

“Nagagalak kami unang-una kapag sinabi nating pagdiriwang ng pagsilang; ng kaarawan ay signal po yan ng bagong buhay at simula,” dagdag pa ni Bishop Vergara.

Magugunitang isinara sa publiko ang naturang simbahan nang sumailalim sa preventive quarantine ang lahat ng kawani makaraang magpositibo sa corona virus si Rev. Fr. Bernardo Carpio, ang parochial vicar ng katedral na kalaunan ay gumaling mula sa karamdaman.

Paliwanag pa ni Bishop Vergara, may ilang araw nang natapos ang quarantine period sa simbahan ngunit napagdesisyunan ng pamunuan na muli itong buksan ngayong araw na ito kasabay ng kapistahan ng kapanganakan ng Mahal na Birhen.

Sinabi ng Obispo na malaking kapistahan ito ng Pasig bagamat ang patron nito ay Immaculate Conception na ipagdiriwang ng simbahang katolika tuwing ikawalo ng Disyembre sapagkat ito ay mahalagang araw sa Mahal na Ina.

Tiniyak ni Bishop Vergara na mahigpit ang pagpapatupad ng cathedral ng safety health protocols sa loob ng simbahan lalo na ang 3 metrong agwat para sa physical distancing batay na rin sa patakaran ng lungsod Pasig upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mga mananampalataya.

Limitado pa rin sa sampung porsyento ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang pinapayagang makadadalo sa misa alindunod na rin sa patakaran ng Inter Agency Tasks Force.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,917 total reads

 20,917 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,115 total reads

 102,115 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,564 total reads

 135,564 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,862 total reads

 170,862 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,705 total reads

 396,705 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top