National Transitus Celebration 2026, itinakda sa October 3, 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,425 total reads

Inaanyayahan ng Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines (IFMCP) ang mga mananampalataya na makiisa sa National Transitus Celebration 2026 bilang paggunita sa ika-800 anibersaryo ng pagpanaw o Transitus ni San Francisco de Assisi.

Katuwang ng IFMCP ang Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa pagdiriwang na isasagawa sa October 3, 2026 sa UST Quadricentennial Pavilion sa University of Santo Tomas, Maynila, na nakatuon sa temang “800 Years of the Easter of St. Francis of Assisi: Sowing Peace, Healing Creation, and Embracing the Poor.”

Binigyang-diin ng Franciscan network na bukas sa publiko ang pagdiriwang na bahagi rin ng natatanging Jubilee Year na ipinagkaloob ni Pope Leo XIV para sa Transitus ni San Francisco.

“The National Transitus Celebration is not exclusively a Franciscan event but an ecclesial Jubilee gathering open to the entire People of God and all people of goodwill.”

Hinikayat ng mga Pransiskano ang mga pamilya, parokya, kabataan, mga mag-aaral at guro, mga relihiyoso at consecrated persons, lay collaborators, mga organisasyon ng simbahan, mga deboto ni San Francisco, gayundin ang mga nagsusulong ng kapayapaan at pangangalaga sa kalikasan na dumalo sa pagdiriwang.

Itinatampok ng paggunita ang patuloy na hamon ng buhay at ang mga halimbawa ni San Francisco para sa mga Kristiyano makalipas ang walong siglo mula nang siya ay pumanaw.

“Eight centuries after his death, the witness of St. Francis continues to challenge Christians to follow Christ more faithfully, stand with the poor and marginalized, work for peace and reconciliation, and care for creation as members of one human family.”

Magbubukas ang pagdiriwang sa alas 6 ng umaga, na susundan ng enthronement sa alas 7:15 ng umaga, na pangungunahan ni Fra. Dennis Vargas, OFMConv., Custos of the Custody of St. Maximilian M. Kolbe.

Pangungunanahan naman ni Br. Edgar Martinez, OFMCap., Provincial Minister ng Philippine Province of Our Lady of Lourdes, ang morning prayer sa alas 7:45 ng umaga.

Ang banal na misang isasagawa sa alas-8:15 ng umaga ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Magbibigay ng welcome remarks sa pagtitipon si Fr. Filemon I. Dela Cruz, Jr., O.P., Prior Provincial ng Dominican Province of the Philippines, habang si Bayombong Bishop Elmer Mangalinao, OFS, ang magbibigay ng keynote address.

Kabilang sa mga tampok na gawain ang “Echoes of Assisi,” triad sharing, youth animation, songwriting competition, at ang Transitus play na “Poverello: Ang Dukha ng Assisi,” sa direksyon ni Jonathan Oraño.

Layunin ng pagdiriwang na muling ipaunawa sa kasalukuyang henerasyon ang mensahe ni San Francisco tungkol sa kapayapaan, malasakit sa mahihirap at pangangalaga sa sangnilikha.

Sa mga dadalo sa pagtitipon, maaaring magparehistro sa link na ito: https://transitus.pcne.ph/

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 2,358 total reads

 2,358 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 22,875 total reads

 22,875 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 85,182 total reads

 85,182 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 170,549 total reads

 170,549 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 217,285 total reads

 217,285 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 265,158 total reads

 265,158 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 364,895 total reads

 364,895 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top