PCUP, patuloy ang pagtuklas ng praktikal na kabuhayan para sa urban poor communities

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,149 total reads

Sinuri ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP ang mga oportunidad para sa livelihood program ng mga urban poor community sa pamamagitan ng paggamit ng buri at raffia sa Tubigon, Bohol.

Personal na binisita ni PCUP Commissioner Reynaldo Galupo ang ‘Tubigon Loom Weavers Multi-Purpose Cooperative’ na 34-taon nang gumagawa ng mga hinabing produkto mula sa ‘Buri’ fibers.

Tiningnan din ni Galupo ang Tubigon Raffia Gallery, Gasa sa Buli o Gift of the Buri Palm, isang tradisyon ng paghahabi ng raffia sa komunidad kung saan mula sa natural fibers ay nakakalikha ng mga bag, ilawan, basket at iba pang handicrafted products na nagpapakita ng husay at pagkamalikhain ng mga Boholano artisan.

Inihayag ni Galupo na pinag-aaralan ng P-C-U-P kung paano maaaring i-angkop ang kaalaman at kasanayan ng mga manghahabi sa Tubigon upang makalikha ng livelihood opportunities para sa mga urban poor beneficiary, partikular sa skills development, community-based production at paggamit ng mga likas na yaman na makukuha sa kanilang mga komunidad.

Ang inisyatibao ay alinsunod sa Memorandum of Understanding ng PCUP at Philippine Fiber Industry Development Authority o PHILFIDA, na layuning tuklasin ang fiber-based livelihood opportunities para sa mga nangangailangang komunidad.

Binigyang-diin ni Galupo na bahagi ito ng patuloy na paghahanap ng PCUP ng praktikal na kabuhayan na maaaring pagkakitaan ng mga pamilyang urban poor gamit ang mga kasanayang maaari nilang matutuhan at mga yamang mayroon sa kanilang komunidad.

Isinusulong ni Pope Francis sa kaniyang ensiklikal na ‘Laudato Si’ ang pangangalaga sa ating ‘common home’ kasabay ng pagbibigay kabuhayan at dignidad ng mga komunidad, lalo na sa pamamagitan ng responsable at makatarungang paggamit sa likas na yaman.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 3,638 total reads

 3,638 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 24,166 total reads

 24,166 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 87,046 total reads

 87,046 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 172,413 total reads

 172,413 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 219,149 total reads

 219,149 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 267,023 total reads

 267,023 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 366,674 total reads

 366,674 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top