Batang “storytellers”, hinikayat ng Caritas Philippines na lumahok sa mobile filmmaking competition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,188 total reads

Hinikayat ng Caritas Philippines ang mga batang mahilig mag-kuwento o ‘storytellers’ na lumahok sa Mobile Filmmaking Competition na bahagi ng ‘CaritasPHConnects: “Mga Kwentong Pag-asa at Pananagutan.”

Layunin ng patimpalak na mabigyan ng pagkakataon ang kabataan na lumikha ng maikling video kung paano nakaapekto sa kanilang buhay ang Caritas Philippines o kung paano sila naging bahagi ng misyon nitong isabuhay ang pagmamahal sa kapwa.

Ang limang pinakamahusay na kwento ay itatampok sa mga opisyal na plataporma ng Caritas Philippines, sa mga pangunahing gawain nito, at isasama sa Caritas PH Connects Storybank.
“CaritasPHConnects: “Mga Kwentong Pag-asa at Pananagutan” invites young storytellers to join our Mobile Filmmaking Competition and create a short video that tells how Caritas Philippines has touched your life or how you have become part of its mission of love in action.

Submit your Entry Here: https://forms.gle/cjRo889DyP66KvCs5 ” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines.

Maitatampok din ang mga ito sa mas malawak na Caritas network, kabilang ang Caritas Internationalis at Caritas Asia.

Binigyang-diin ng Caritas Philippines na ang bawat kwento ay bahagi ng misyon ng Simbahan na isabuhay ang pag-ibig sa kapwa at maging daan ng pag-asa sa iba.

Kahanay naman ang patimpalak sa mensahe ni Pope Francis sa kaniyang ensiklikal na Fratelli Tutti tungkol sa pagpapatibay ng pagkakapatiran at pakikipagkaibigan sa lipunan, kung saan mahalaga ang pagbabahagi ng kwento at karanasan upang mapalalim ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa.

“Top 5 stories will be featured across official Caritas Philippines platforms, showcased during major events, included in the Caritas PH Connects Storybank, and shared with the wider Caritas network—including Caritas Internationalis and Caritas Asia. Most importantly, your story becomes part of the Church’s mission of love in action. Tell your story. Share your hope. Inspire others,” ayon pa sa mensahe ng Caritas Philippines.

Hinihikayat ng Caritas Philippines ang kabataan na ibahagi ang kanilang kwento, ipakita ang kanilang pag-asa, at maging inspirasyon sa iba.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 39,793 total reads

 39,793 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 146,875 total reads

 146,875 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 232,244 total reads

 232,244 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 278,981 total reads

 278,981 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 326,853 total reads

 326,853 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 423,425 total reads

 423,425 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 47,078 total reads

 47,078 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top