Simbahan, hinikayat na paiigtingin ang pagtuturo ng catechesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,038 total reads

Hinimok ng isang Catholic publisher at catechetical advocate ang Simbahan na higit pang palakasin ang pagtuturo ng pananampalataya sa harap ng pagdami ng maling impormasyon, kabilang ang mga nililikhang content gamit ang artificial intelligence (AI), lalo na sa social media at sa internet.

Ayon kay Andrew Dela Cruz, co-founder at creative director ng Katolago at exhibitor ng Word and Life Publications sa Manila International Book Fair, mahalaga ang matibay na catechesis upang matulungan ang mga bata na makilala ang tama at mapagkakatiwalaang aral tungkol sa pananampalatayang Katoliko.

“Yung panahon natin ngayon ay sobrang gulo. Maraming naniniwala sa hindi totoo. Maraming hindi totoo na gawa ng AI as well. Sa dami ng impormasyong dumadaan, hindi natin alam kung totoo pa ba. So very important talaga yung catechesis na nagbibigay ng grounded na basis,” pahayag ni Dela Cruz sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Dela Cruz na kailangang higit na masuportahan at mabigyan ng sapat na materyales ang mga katekista upang maging matibay ang pundasyon ng kanilang pagtuturo sa mga bata.

“Mahalaga na mas matulungan natin yung mga katekista na grounded sa pananampalataya yung kanilang mga itinuturo sa mga bata,” aniya.

Bahagi ito ng mas malawak na pagsusulong ng Katolago ng mga catechetical materials na madaling gamitin at sa maraming pagkakataon, libre para sa mga batang nangangailangan.

Kabilang dito ang mga materyales na nasa wikang Tagalog, gayundin ang mga aklat na tumatalakay sa Stations of the Cross, mga sakramento, at iba pang aspeto ng buhay pananampalataya.

Ayon kay Dela Cruz, mahalagang hindi lamang libre ang mga materyales kundi mataas din ang kalidad upang higit na pahalagahan ng mga bata ang kanilang natututuhan tungkol sa pananampalataya.

“Naniniwala kami dito sa Katolago na ang pananampalataya, lalo na yung mga kahit na binibigay mo siyang libre, it needs to be premium na talagang papahalagahan ng mga bata kasi importante yung pananampalataya,” giit ni Dela Cruz.

Kaugnay nito, ipinakita rin ng mga catechetical materials ang potensiyal nitong maging daan upang mahubog ang bokasyon at mas malalim na pagkilala ng mga bata sa kanilang pananampalataya.

Sa pagdiriwang ng National Catechetical Month, binibigyang-diin ng ganitong inisyatiba ang mahalagang papel ng mga katekista sa paghubog ng pananampalataya ng mga bata sa panahong mabilis na kumalat ang impormasyon at misinformation sa mga digital platform.

Naniniwala si Dela Cruz na ang bawat suporta sa mga catechetical materials ay nakatutulong sa pagpapatuloy ng misyon ng Simbahan na maabot at maturuan ang mga batang higit na nangangailangan ng wastong paggabay sa pananampalataya.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 41,014 total reads

 41,014 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 148,985 total reads

 148,985 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 234,354 total reads

 234,354 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 281,091 total reads

 281,091 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 328,963 total reads

 328,963 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 425,369 total reads

 425,369 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top