Bishop Alminaza, nanawagan ng masusing pagsusuri at konsultasyon sa Pax Silica project sa Tarlac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,798 total reads

Nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Chairperson ng Church People-Workers Solidarity o CWS, para sa masusing pagsusuri at malawak na konsultasyon sa planong malaking Artificial Intelligence o AI at semiconductor development sa New Clark City, Tarlac, na bahagi ng inisyatibo ng ‘Pax Silica’.

Ayon sa CWS, bagamat may posibilidad ang proyekto na magdala ng investments, trabaho, technological advancement at skills development, ngunit hindi dapat maging kapalit nito ang dignidad ng tao, karapatan ng mga manggagawa, kapakanan ng mga komunidad at pangangalaga sa kalikasan.

““We do not begin with a predetermined rejection of Pax Silica, Neither do we give it a blank check, Our position is one of critical and constructive engagement. Where it serves human dignity, decent work, ecological sustainability, national development, and the common good, let us support it.Where safeguards are inadequate, let us demand better,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala ng CWS sa Radyo Veritas.

Partikular na hiniling ng CWS ang transparency sa paggamit ng lupa, tubig at enerhiya, gayundin ang independent environmental, social at human-rights assessments bago gumawa ng mga desisyong maaaring maging irreversible o maisasaayos pa.

Iginiit din ng CWS na hindi sapat ang dami ng trabahong maaring malikha, kundi dapat tiyakin ang living wages, security of tenure, ligtas na lugar ng trabaho, social protection at pagkakataon para sa skills development at technology transfer ng mga Pilipinong manggagawa.

Hinikayat naman ni Bishop Alminaza ang pamahalaan, industriya, mga manggagawa, katutubo, lokal na komunidad, akademya, mga simbahan at civil society na makilahok sa isang bukas at makabuluhang pambansang pag-uusap tungkol sa Pax Silica.

“Technological progress that produces precarious workers is not genuine progress, The future of work must also be a future of dignity, The Philippines must not simply provide land, water, energy, minerals, incentives, and labor while most of the enduring economic value is captured elsewhere, International cooperation can be mutually beneficial—but genuine partnership requires reciprocity, fairness, and respect for national sovereignty,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng CWS na hindi nito tahasang tinatanggihan ang proyekto, ngunit hindi rin ito nagbibigay ng blankong tseke, at naninindigan sa kritikal at konstruktibong pakikilahok upang matiyak na ang pag-unlad ay nagsisilbi sa dignidad ng tao, disenteng trabaho, kalikasan at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,040 total reads

 51,040 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,758 total reads

 147,758 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,027 total reads

 192,027 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,136 total reads

 215,136 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,018 total reads

 288,018 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,505 total reads

 28,505 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top