ICRC, nagbabala ng matinding humanitarian crisis sa Gitnang Silangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,956 total reads

Nanawagan ang International Committee of the Red Cross o ICRC ng mga hakbang upang mapahupa ang tumitinding tensyon at labanan sa Middle East, partikular sa Yemen at Saudi Arabia.

Ayon kay ICRC President Mirjana Spoljaric, nanganganib na lumawak pa ang labanan sa Gitnang Silangan na maaaring magpalala sa matinding humanitarian crisis na nararanasan ng milyon-milyong tao.

Binigyang-diin ng ICRC na kailangang tiyaking napoprotektahan ang mga sibilyan at mahahalagang imprastraktura, kabilang ang mga pasilidad pangkalusugan, suplay ng tubig, langis, at kuryente.

“The recent escalation of hostilities in the Middle East affecting Yemen and Saudi Arabia risks a further expansion of conflict in the region that, if not contained, could worsen the already devastating humanitarian situation faced by millions of people. Concrete steps must, at all times, be taken to protect civilians and essential infrastructure. If the fighting continues, we fear it will lead to more deaths and injuries, population displacement and a potentially catastrophic disruption of essential services and infrastructure such as health care, water, fuel and electricity,” ayon sa mensaheng pinadala ng ICRC sa Radyo Veritas.

Iginiit din ng organisasyon na mahalaga ang humanitarian action sa pagtugon sa epekto ng digmaan, ngunit hindi nito maaaring palitan ang paggalang sa international humanitarian law at ang political commitment na mapahupa ang labanan.

Nagbabala ang ICRC na kung magpapatuloy ang alitan, maaari itong humantong sa mas maraming pagkamatay at pagkasugat, paglikas ng mga inosenteng mamamayan at pagkagambala sa mahahalagang serbisyong publiko.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang ICRC sa magkabilang panig upang isulong ang paggalang sa international humanitarian law.

Ang panawagan para sa kapayapaan at proteksyon sa dignidad ng bawat tao ay naaayon sa mensahe ni Pope Francis sa encyclical na Fratelli Tutti, na apela para sa fraternity o pagkakapatiran at social friendship bilang daan tungo sa kapayapaang nakabatay sa dignidad ng tao at pagtanggi sa digmaan bilang solusyon sa alitan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 3,614 total reads

 3,613 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 24,139 total reads

 24,139 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 86,987 total reads

 86,987 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 172,354 total reads

 172,354 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 219,090 total reads

 219,090 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 266,964 total reads

 266,964 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 366,620 total reads

 366,620 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 24,141 total reads

 24,141 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top