Catholic author sa mga kabataan, huwag ibatay sa pamantayan ng social media ang sarili

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,925 total reads

Hinimok ng isang Catholic author ang mga kabataan na huwag ibatay sa pamantayan ng social media ang pagpapahalaga sa sarili, kasabay ng babala tungkol sa lumalaking hamon sa mental well-being ng mga kabataan sa bansa.

Ayon kay Rafael Jae “RJ” Si, author ng You Are Better: 7 Days Rediscovering Your Worth, maaaring magsilbing inspirasyon ang mga napapanood at nakikita sa social media ngunit nagiging mapanganib ito kapag nauuwi sa patuloy na paghahambing ng sarili sa ibang tao.

“They keep on comparing themselves to the social media that they see, to the people that they see. Walang problema dun, it can be an inspiration. Kaya lang, if you think of yourself less because of the things that you see, parang, wait lang, hindi ganun dapat,” pahayag ni Si sa Radyo Veritas.

Aniya, kabilang sa mga nakaaapekto sa self-worth ng kabataan ang mga pamantayan sa pisikal na anyo na paulit-ulit nilang nakikita online.

Batay sa 2026 Mind Health Report, 72 porsyento ng mga kabatang Pilipino ang nakararanas ng lubhang kalungkutan sa kabila ng pagiging aktibo sa digital lives.

Tinukoy sa pag-aaral na 98 porsyento ang may negatibong dulot ng halos walong oras na daily screen time.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan ang mga datos na ang insecurity o social media lamang ang sanhi ng ganitong kalagayan. Ayon sa World Health Organization, maraming magkakaugnay na social, psychological, biological, at environmental factors ang maaaring makaapekto sa panganib na dulot ng mental well-being.

Iginiit ni Si na mahalagang maibalik sa kabataan ang pananaw na ang kanilang halaga ay hindi nakabatay sa kanilang itsura, popularidad o sa pamantayang nakikita online.

“You still have to go back to the roots of your heart, that you are created wonderfully, and you are wonderfully made by the Lord,” aniya.

Pagbabahagi pa ng may-akda na personal ang pinagmulan ng mensahe ng kanyang aklat matapos niyang maranasan mismo ang insecurities habang lumalaki.

Layunin ng You Are Better na tulungan ang mga mambabasa na tanggapin ang kanilang sarili, kilalanin ang kanilang dignidad at muling matuklasan ang kanilang tunay na halaga.

“To be able to accept how God made them, how valuable they are, how special they are, and how God molded them into a fine being,” giit ni Si.

Binigyang-diin ni Si na sa pananaw ng pananampalatayang Kristiyano, ang halaga ng tao ay nagmumula sa Diyos at hindi sa pamantayang itinakda ng lipunan.

“If you know and you believe that you are created by the Lord, well, you are really better than you think you are,” dagdag nito.

Inilunsad ang You Are Better: 7 Days Rediscovering Your Worth sa St. Pauls book launch sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong September 10.

Makukuha ang aklat sa mga St. Paul’s store nationwide, online at sa ilang outlet sa ibang bansa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 2,376 total reads

 2,376 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 22,892 total reads

 22,892 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 85,200 total reads

 85,200 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 170,567 total reads

 170,567 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 217,303 total reads

 217,303 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 265,176 total reads

 265,176 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 364,912 total reads

 364,912 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top