Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,560 total reads

Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36

Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi.

Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin.”

DI NA MAGLULUWAT. Sigurado ako na hindi na alam ng marami sa inyo, lalo na ng mga kabataan, ang ibig sabihin ng salitang ito: “magluwat”. Tingnan ko nga; pakitaas nga ang kamay ng mga nakakaalam ng meaning ng salitang ito?

Sa mas simple at modernong Tagalog, ang magluwat ay “magtagal.” Kaya alam ko, dahil Kapampangan din ang salitang ito. Pag naiinip na kami sa kahihintay sa Kapampangan sinasabi namin, “Ot kaluwat?” Kung gusto mong tanungin ang kamaganak mong umuwi para dito sa Pilipinas mamasko, pwede mong itanong “Magluwat ka keti Pilipinas?” Magtatagal ka ba dito sa ating bansa?
“Di na magluluwat”, ibig sabihin hindi na magtatagal, o sa loob ng kaunting panahon na lang. In short, malapit na. Kahapon ipinagdiwang natin ang Linggo ng Gaudete. Kaya ang dating madilim na kulay ube ay lumiwanag; naging kulay rosas na. Ibig sabihin—malapit na. (Tingnan mo tayo—hindi pa Pasko, nagsuot-puti na ang pari para sa simbang gabi at kumanta na tayo ng Gloria. Di talaga tayo makahintay.)

Ang nakapagtataka sa ating unang pagbasa ay ang kasunod na linya: “Mapalad ang taong gumagawa nito, ang anak ng taong ang tuntuni’y ito.”

Hindi pala sapat na maghintay lamang sa pagdating ng Panginoon, na parang basta lang ito mahuhulog mula sa langit. Magiging malapit na ang pagdating niya kung gagawin natin “ang dapat gawin”. Kaya ang kasunod na tanong natin ay: ano ba ang dapat gawin upang mapabilis ang pagdating ng Diyos?” Di ba ito rin ang tanong kahapon sa ebanghelyo ng mga nagpapabinyag kay Juan at sumasama sa kanyang: ano ba ang dapat gawin?”

Narinig natin ang sagot ni Juan: na kung ibig natin mas mapabilis ang pagdating ng Panginoon, “pag-aralan daw natin na magbahagi ng kahit anong konting meron tayo sa mga wala: damit o pagkain, basta matamis o bukal sa kalooban. Na kusang umiwas daw sa masamang gawain tulad ng pangingikil at pangungurakot, pagpaparatang sa kapwa ng hindi totoo…” Hinihiram ni Juan Bautista ang mensaheng ito kay propeta Isaias. Sa Isaias 58:6-8, sinabi ng propeta

“Kung titigilan ninyo ang paggawa ng masama, kung paiiralin ninyo ang katarungan, kung palalayain ninyo ang mga inaalipin at tutulungan ang mga inaapi. Kung babahaginan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom, kung patutuluyin ninyo ang mga dayuhan…” ano ang mangyayari ?

“Kapag ginawa nʼyo ang mga ito, darating sa inyo ang kaligtasan na katulad ng bukang-liwayway, at pagagalingin ko kayo agad. Ako na inyong Dios na matuwid ang mangunguna sa inyo at ipagtatanggol ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan.”

May dagdag pa ang propeta:

Kung matutunan daw nating ituring bilang kapatid, hindi lang ang kadugo, kapamilya, kababayan, kaalyado o karelihiyon, tayo mismo ay magiging hindi na iba sa Diyos, dahil tayong lahat ay anak niya.

Hindi ba itinuro ni Hesus sa alagad niya na “maging maawain mung paano ang kanyang amaay maawain?” Kung tunay palang nalalapittayo saDiyos o dumarating siya sa buhay natin, ang pinakamalinaw na tabda ay: Wala tayong itataboy o ie-etsapwera. Sabi nga ng propeta: “Ang bahay ng Diyos ay dapat maging tahanan ng panalangin para sa lahat.” Todos, todos, todos, wika nga ni Pope Francis.

Kaya madalas nyo ring marinig sa akin na ang Misa ay hindi isang eksklusibong samahan ng mga matuwid at karapatdapat. Ang simbahan ay bukas para sa lahat: sa binata, dalaga, single parents, sa kasal, hiwalay, o diborsyado, nakasapatos, o nakatsinelas, o kahit walang tsinelas, babae, lalaki, bakla, tomboy, may pinag-aralan o wala, mabait o pasaway, may pinag-aralan o wala, bata, matanda.

Ito ang binago ni Kristo sa kinagisnan niyang pananampalatayang

Hudyo. Bago pumasok si Hesus sa kasaysayan, ang sinumang hindi kamag-anak ni Abraham ay tinatawag na Hentil, ibig sabihin hindi daw kasali sa bayang Israel. Hindi daw pag-aaksayshqn ng panahon ng Doyos para iligtas. Ang misyon ni Hesus ay magtayo, hindi ng mga bakod sa pagitan ng mga tao kundi ng mga tulay na mag-uugnay, kung paanong sa kanyang iisang persona, pinagsama ang pagkadiyos at pagkatao. Kaya sabi ni San Pablo sa mga Taga-Galacia 3:28: “’Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,387 total reads

 48,387 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,107 total reads

 128,107 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,554 total reads

 161,554 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,852 total reads

 196,852 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,503 total reads

 421,503 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,885 total reads

 14,885 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 20,534 total reads

 20,534 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,795 total reads

 19,795 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top