Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Digital technology,lifeline ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting balita

SHARE THE TRUTH

 7,628 total views

Itinuturing ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na naging platform ng Simbahang Katolika ang “digital technology” sa pagpapalaganap ng mabuting balita (Good news) sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng C-B-C-P na sa kasalukuyan ay nata-transform ang digital technology na maging daluyan ng “Good news of the kingdom of God”.

Aminado si Bishop David na kailangan ng Simbahan na mas maramdaman sa social media upang maibahagi ang mabuting balita ng Panginoon sa pamamagitan ng epektibong pamamaraan.



“Ngayon, nata-transform ang digital technology for witnessing the Good News of the Kingdom of God. Kailangan ng Simbahan na mas maramdaman sa Social Media, we are able to communicate it in a creative way, dahil bagong plataporma ito.”pahayag ni Bishop David sa programang “Pastoral visit on-air” sa Radio Veritas

Sinabi ng Obispo na dati-rati ay ginagamit ang social media sa commercialism, pornography at pagto-toll sa pulitika na hinahayaan lamang ng taumbayan.

“Ang social media, dati-rati gamit iyan sa mga bagay na katulad ng komersiyalismo, pornography, pag-to-toll sa pulitika at hinahayaan lang natin”. Pahayag ng Obispo

Gayunman sa kasalukuyan, inihayag ni Bishop David na dahil sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic ay naging lifeline ng tao ang digital technology sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay at kapwa dahil sa umiiral na social distancing.

Iginiit ng Obispo na dahil sa social media at digital technology ay nawala ang pagiging “socially distant” ng bawat isa.

“We are not present there. Now I think dahil sa panahon ng pandemya, lahat tayo naging lifeline natin ang digital technology. Hindi tayo puwedeng mabuhay nang wala tayong connectivity sa internet. We can be physically distant, but not socially distant from each other.”pagtitiyak ni Bishop David

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moro-Moro Lamang

 71,558 total views

 71,558 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 86,957 total views

 86,957 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 99,412 total views

 99,412 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 110,061 total views

 110,061 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 120,711 total views

 120,711 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 5,553 total views

 5,553 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »

Eucharistic Renewal: A Call to Truth

 20,578 total views

 20,578 total views As Catholic communicators and members of the mainstream media, our sacred role is to tell the truth, the whole truth, even when it

Read More »

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 23,276 total views

 23,276 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Scroll to Top