God father of Church Cooperatives, nagretirong pangulo ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,626 total views

Matapos ang 20-taon, opisyal na nagretiro bilang pangulo at Chief Executive Officer ng Radio Veritas 846, Ang Radyo ng Simbahan ang “guru” ng Out the Box strategy na si Rev. Fr. Anton CT Pascual.

Ang pagretiro ni Pascual ay inaprubahan ng Radio Veritas Global Broadcasting System Incorporated Board of Directors sa pangunguna ni BOD chairman Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ika-3 ng Mayo 2025,opisyal namang uupo na Pangulo at CEO ng Radio Veritas kahili ni Fr. Pascual si Rev. Fr. Roy M. Bellen na outgoing Vice President for Operations ng Radyo ng Simbahan na kasalukuyang Team Ministry member ng Sacred Heart of Jesus Parish Makati, Vice-President for Operation ng TV Maria at head ng Archdiocesan Office of Communication ng RCAM.

Sa nakalipas na 20-taong panunungkulan bilang pinuno ng Radyo Veritas, nakamit ng Radyo ng Simbahan ang tunay na identity nito na maging Religious station, maging “crisis station” sa panahon ng iba’t-ibang natural na kalamidad at man made-made calamity gayundin ang pagiging boses ng katotohanan at kalamidad.

Matapos ang glory days dulot ng makasaysayang Edsa People Power bloodless revolution, bukod sa pagiging no.1 faith-based radio station, nakamit ng Radyo Veritas ang no.2 ranking sa unang quarter ng 2025 survey ng KANTAR sa Metro Manila at no.3 naman sa Mega-Manila.

Sa pamumuno ni Fr. Pascual ay napatingkad, naging masigasig at naging pro-active ang pagsusulong ng himpilan sa mga adbokasiya ng simbahan sa pulitika, ekonomiya, kultural at environment.

Ipinatupad ni Fr. Pascual ang “Out of the Box” Strategy sa programming ng Radyo Veritas upang hindi makipagsabayan “head on” sa malalakas at malalaking secular radio station kundi tutukan ang pangangailangan sa turo ng simbahan ng milyun-milyong katoliko.

Dahil sa sin products ban sa Radyo ng Simbahan, itinatag ni Fr. Pascual ang Kapanalig Radio community na mayroong mahigit-kumulang na 30,000 miyembro sa kasalukuyan nagbibigay ng buwanan at taunang pledge na malaking tulong sa patuloy na pagsasahimpaoawid ng himpilan upang ipalaganap ang mabuting balita ay new evangelization hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Sa ilalim ng pamunuan ni Fr. Pascual, napagtagumpayan ng himpilan na maging “information hub” o sentro ng mga impormasyon ng mga kaganapan sa buong simbahan sa Pilipinas.

Sa kanyang pagretiro sa Radyo Veritas, mananatili namang pinuno ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila bilang Executive Director at head Minister ng Ministry on Cooperatives and Social Enterprises Development (MCSED).

Misyon ni Fr. Pascual sa kanyang pagretiro na palakasin at ipalaganap ang kooperatiba sa lahat diyosesis at arkidiyosesis sa Pilipinas.

BASAHIN: Batang Bicolano Priest, bagong pangulo ng Radyo Veritas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 12,543 total views

 12,543 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 35,695 total views

 35,695 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 105,809 total views

 105,809 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 180,421 total views

 180,421 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 259,646 total views

 259,646 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top