Batang Bicolano Priest, bagong pangulo ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,265 total reads

Itinalaga ng Archdiocese of Manila si Fr. Roy Bellen bilang bagong Pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng Radyo Veritas, ang pangunahing Katolikong himpilan ng radyo sa bansa.

Ayon sa inilabas na kautusan na nilagdaan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ito ay bilang bahagi ng patuloy na misyon ng Simbahang Katolika na palakasin ang gawaing ebanghelisasyon sa makabagong panahon.

“In our earnest desire to sustain the ongoing evangelization programs of the Church in keeping with the demands of the times and needs of the People of God and cognizant of the power of all the means of social communications for the mission of new evangelization.”

Ang kautusan ay epektibo simula ngayong May 3.

Si Fr. Bellen ang humalili kay Fr. Anton C.T. Pascual na nagsilbi sa loob ng dalawampung taon bilang pangulo ng Radyo Veritas. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naging matatag ang istasyon bilang tinig ng pananampalataya, katotohanan, at pag-asa para sa milyun-milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Nanawagan ang pamunuan ng Radyo Veritas sa mga mananampalataya na ipagdasal ang bagong liderato at patuloy na suportahan ang mga programa ng istasyon bilang ambag sa misyon ng Simbahan at paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Ayon sa pahayag ni Fr. Bellen, binigyan diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paggamit ng makabagong teknolohiya upang maipahayag ang Ebanghelyo sa mas maraming Pilipino, lalo na sa mga kabataan at nasa laylayan ng lipunan.

Aniya, nakatuon ang kanyang pamumuno sa paglinang ng mas makabuluhang faith-based content, pagpapalawak ng digital presence ng himpilan, at pagpapatatag ng ugnayan ng Radyo Veritas sa mga diyosesis, parokya, at mga organisasyon ng simbahan sa buong bansa.

Ang 46-taong gulang na Bicolanong pari ay kasalukuyang Vice President for Operations ng Radyo Veritas, director ng Archdiocese of Manila Office of Communications, at Vice President for Operations ng TV Maria.

Siya ay naordinahan bilang pari ng Archdiocese of Manila noong 2006 ni dating Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales.

Bago pa man italaga sa Radyo Veritas noong 2015, nag-aral siya ng Institutional Communications sa Pontifical University of the Holy Cross sa Roma.

BASAHIN: God father of Church Cooperatives, nagretirong pangulo ng Radyo Veritas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 114,462 total reads

 114,462 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 190,565 total reads

 190,565 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 224,013 total reads

 224,013 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 259,312 total reads

 259,312 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 481,360 total reads

 481,360 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top