Pagtatalaga sa PPCRV volunteers, itinakda ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,181 total reads

Magsasagawa ng Pagtatalaga at Paghahayo ang Diyosesis ng Malolos para sa mga PPCRV Volunteers sa Halalan 2025.

Bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections ay itinakda ng Diyosesis ng Malolos katuwang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Malolos – Commission on Social Action ang pagtatalaga at paghahayo sa mga PPCRV Volunteers sa ika-4 ng Mayo, 2025 na isasagawa sa lahat ng mga parokya sa diyosesis.

Layunin ng nakatakdang Pagtatalaga at Paghahayo sa mga PPCRV Volunteers ng diyosesis na ipanalangin sa Panginoon ang patuloy na pagbibigay lakas at paggabay sa mga magsisilbing tagapagbantay ng Simbahan sa nakatakdang halalan sa bansa.

Hinihikayat rin ng diyosesis sa bawat isa na patuloy na ipanalangin ang nalalapit na halalan sa ika-12 ng Mayo, 2025 upang matiyak na ito ay maging malinis, matapat, makatotohanan, makabuluhan at mapayapa (Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful) CHAMP Election.

“Bilang paghahanda sa darating na Halalan 2025, magkakaroon ng PAGTATALAGA AT PAGHAHAYO SA MGA PPCRV VOLUNTEERS PARA SA HALALAN 2025. Inaanyayahan ang lahat ng Volunteers na makipag-ugnayan sa kanilang Parish Coordinator tungkol sa pagtatalagang Ito. Patuloy natin ipanalangin ang ating mga PPCRV Volunteers upang patuloy silang bigyan ng lakas ng Diyos para sa misyon na kanilang gagampanan. Patuloy pa rin tayong manalangin para sa darating na Halalan 2025 upang ito ay maging CHAMP (Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful Election).” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Malolos.

Mula ng maitatag ang PPCRV noong 1991 na layuning maging pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas ay kasalukuyan ng umaabot sa 700,000 ang volunteers nito mula sa may 87 diyosesis sa buong bansa.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 117,760 total reads

 117,760 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 193,655 total reads

 193,655 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 227,103 total reads

 227,103 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 262,402 total reads

 262,402 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 484,303 total reads

 484,303 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top