Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception, naglabas ng public apology

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,177 total views

Naglabas na ng public apology ang Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Malabon kaugnay ng insidente ng paggamit ng kalapati na ikinabit sa mga lobo sa ginanap na Salubong noong Linggo ng Pagkabuhay.

Sa pahayag ni Fr. Mariano “Jun” Bartolome, kura paroko at rektor ng dambana, inamin nito ang pagkukulang sa naturang gawain at humingi ng paumanhin sa mga mananampalataya at kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na dumalo sa pagdiriwang.

Ipinaliwanag ng parokya na ilang dekada nang isinasagawa ang paggamit ng buhay na kalapati sa tradisyon, na nagsimula pa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang alternatibo sa batang ginagawang ‘anghel.’

“We likewise apologize to our Bishop, Cardinal Pablo Virgilio David, who was indeed present at the event but witnessed only the unveiling from below the pagoda. He was not aware of what took place afterward,” ayon kay Fr. Bartolome.

Gayunman, inamin ng parokya na hindi nila inaasahan na ang ibon ay itatali sa kumpol ng mga lobo at paliliparin nang hindi agad pinakakawalan matapos ang ritwal.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Cardinal David sa nangyari, at binigyang-diin na ang naturang gawain ay maituturing na kalupitan sa hayop at may masamang epekto rin sa kapaligiran, lalo na sa mga yamang-dagat na maaaring malason o makalunok ng mga lobo.

Binigyang-diin ng parokya na ang insidente ay nagsisilbing paalala na ang mga tradisyong panrelihiyon ay dapat isinasagawa nang may paggalang sa lahat ng nilikha.

Iginiit nito na ang tunay na diwa ng pananampalataya ay nakaugat sa malasakit, habag, at pananagutan—hindi lamang sa kapwa tao kundi maging sa kalikasan at iba pang nilalang.

“As a community of faith, we are reminded that our devotion must always be guided by compassion and responsibility. In caring for God’s creation, we honor the Risen Lord who calls us to protect and cherish every form of life,” saad ni Fr. Bartolome.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 139,836 total views

 139,836 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 264,247 total views

 264,247 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 303,050 total views

 303,050 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 374,704 total views

 374,704 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top