Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Balanga, tutol sa pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant

SHARE THE TRUTH

 504 total views

Tutol si Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant.

Ayon sa Obispo, malaking kapahamakan kung itutuloy ng pamahalaan ang paggamit sa nuclear power plant, una na sa kalusugan ng pamayanan at pangalawa ay sa kalagayan ng ating kalikasan lalo’t tumitindi ang epekto ng climate change sa bansa.

“Ito’y malaking kapinsalaan sa atin, kung mapapansin natin ang mga exit ng bagyo ay dito sa Southern, dito sa amin, at ang mga habagat dito sa amin ay napakalalakas, e ngayon kung bubuksan pa ang Power plant ay lalo nang napakalaking kapahamakan, at panganib ang nagbabanta sa atin, kaya ngayon palang aming [inihahayag] na kami ay tututol dahil sa malaking kapahamakan,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Iminungkahi ni Bishop Santos na gumamit na lamang ng mga alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya tulad ng solar power, hydro power, geothermal power, at biomass.

“Suggestion natin ay palawakin natin ang pag-aaral, pagpapaunlad sa mga iba pang sources ng energy tulad ng Solar, tulad ng wind at hydro. Palagay ko sa wind maganda rin don yung mga nangyayari sa Northern Luzon kasi malakas ang hangin dito,” dagdag ni Bp. Santos.

Batay sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE) National Power Corporation (NAPOCOR) at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) aabot sa $1 billion ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa BNPP.

80% sa mga kagamitan ng BNPP ang kinakailangang muling masuri ng mabuti habang ang iba naman ay kinakailangan nang palitan.

Ang 389 na hektaryang kinatatayuan ng BNPP ay matatagpuan sa Naot Point, Morong Bataan.

Tinatayang 31 taon na mula nang sinimulan itong itayo noong 1984.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 2,362 total views

 2,362 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 13,846 total views

 13,846 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 29,535 total views

 29,535 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 30,413 total views

 30,413 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 40,620 total views

 40,620 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top