Diocese of Butuan, sumaklolo sa mga katutubong lumikas sa Agusan del Sur

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Inihahanda na ng Diocese of Butuan ang tulong sa mga katutubong nagsilikas sa pagsalakay ng mga paramilitary group sa kanilang ancestral domain sa Agusan del Sur.

Inihayag ni Father Carlito Clase, director ng Diocese of Butuan Indigenous People’s Apostolate na apat na leader ng tribung Manobo at Lumad ang nasawi sa pagsalakay ng paramilitary groups sa apat na Barangay sa Talacogon, Agusan del Sur.

Nabatid din ni Father Clase na mahigit sa 100-pamilya na ang nagsilikas dahil sa takot ng pag-atake ng mga paramilitary group sa kanilang komunidad.

“Pina-validate ko pa yung mga detalye, may mga tribal leaders din akong pinalakad the other day para ipa-validate kung saan-saan talaga nangyayari ang pag-atake. Sa ngayon pina-facilitate by parish muna, parochial level muna, sa Diocesan Level tinatawagan muna ang mga Parish Priest kung paano ma-facilitate sa Simbahan yung kailangan na tulong ng mga IP’s natin.” pahayag ni Father Clase sa panayam ng Radio Veritas.

Kinumpirma ng pari na sa kasalukuyan ay nagtutulungan ang Simbahan at lokal na pamahalaan ng Agusan Del Sur upang mas magiging epektibo at mabilis ang pag-abot ng tulong sa mga nangangailangang lalo’t mas malaki rin ang kapasidad ng lokal na pamahalaan na ayudahan ang mga nangangailangan.

“Kino-coordinate din natin sa government, kasi mas madali ang tulong, mas kumpleto ang government resources. Ginagawa natin partnership talaga, hindi lang ang Simbahan ang nagreresponde kailangan din natin ang tulong ng gobyerno sa local area, para multi-sectoral ang approach.”paglilinaw ni Father Clase.

Sa inisyal na ulat, higit sa 100-pamilya na ang nagsilikas mula sa 4 na barangay sa Timog na bahagi ng probinsya ng Agunsan Del Sur.

Nabatid mula sa datos ng grupong KATRIBU mula taong 2010 ay 70-katutubo na ang naging biktima ng extra-judicial killing kung saan 53 sa mga nasawi ay mula sa rehiyon ng Mindanao.

Naitala din ng grupo ang siyam(9) na pambobomba sa mga tribal communities sa Mindanao na naging sanhi ng 54-kaso ng forced evacuation ng may 20,000 mamamayan.

Magugunitang November 2015 ng isagawa ng may 700-Lumads ang Manilakbayan 2015 Caravan upang ipanawagan sa pamahalaan ang katarungan sa mga pinaslang na tribal leaders at mabawi at maprotektahan ang kanilang mga ancestral domain sa paninira ng mga mining company.

Kaugnay nga nito, binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Encyclical Letter na Laudato Si ang pagbibigay ng malaking papapahalaga sa mga tribo at katutubo na siyang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 912 total reads

 912 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 21,500 total reads

 21,500 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 83,133 total reads

 83,133 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 168,500 total reads

 168,500 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 215,236 total reads

 215,236 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 263,109 total reads

 263,109 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 362,941 total reads

 362,941 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top