Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Balanga at pamahalaang panlalawigan ng Bataan, hindi papayagan ang pagbubukas ng BNPP

SHARE THE TRUTH

 529 total views

Nanindigan si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos na hindi na muling mabubuhay ang Bataan Nuclear Power Plant na natapos buuin noong taong 1984.

Ayon kay Bishop Santos, matagal nang napagkasunduan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at Diyosesis ng Balanga na huwag nang pahintulutang makapagsagawa ng operasyon ang nasabing planta na matatagpuan sa bayan ng Morong.

Sapagkat ayon sa Obispo, hindi na ito dapat muling pag-usapan pa dahil hindi na rin ito makakatulong para sa ekonomiya ng bansa partikular na sa suplay ng kuryente, gayong kaakibat nito ang panganib sa kalikasan maging sa kalusugan ng mga tao.

“Here in Bataan with the Church and Provincial LGU, we have already decided and publicly declared that it will never be rehabilitated. It is dead. It is not an issue here and never will be beneficial to our country,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi rin ni Bishop Santos na ngayong eleksyon, muli na namang binubuhay ang usapin hinggil sa Nuclear Power Plant na tila ginagamit na lamang ito bilang political propaganda para sa pansariling kapakanan.

“Whenever there are national issues, now with election, this Bataan Nuclear Power Plant like Frankenstein is being resurrected…political propaganda whom those propagating are only after vested self-interest,” saad ni Bishop Santos.

Taong 1984, panahon ng diktaturyang administrayon ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos nang matapos ang pagbuo sa P2.3-bilyong Bataan Nuclear Power Plant.

Bagamat sinasabing makatutulong ito upang mapababa ang suplay ng kuryente sa bansa, patuloy pa rin itong tinututulan ng iba’t ibang grupo at mambabatas dahil isinasaalang-alang naman ang magiging masamang epekto nito sa kalikasan.

Ito’y dahil nilalaman ng nasabing planta ang iba’t ibang kemikal na maaaring magdulot ng radiation na lubha namang mapanganib sa kapaligiran lalo’t higit sa kalusugan ng mga tao kapag nalantad dito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 9,752 total views

 9,752 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 21,235 total views

 21,235 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 36,924 total views

 36,924 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 37,679 total views

 37,679 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 47,315 total views

 47,315 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top