Diocese of Borongan, umaapela ng tulong sa pinsala ng bagyong Jolina

SHARE THE TRUTH

 353 total views

Muling nanawagan ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Borongan sa Eastern Samar mula sa iniwang pinsala ng nagdaang Bagyong Jolina.

Ayon kay Borongan Social Action Director Fr. James Abella, nasa 10 bayan ang nakaranas ng hagupit ng bagyo, kung saan umabot sa mahigit 26,000 pamilya ang lubos na naapektuhan at higit sa 3000 naman ang mga nagsilikas.

Dagdag ng pari na karamihan din sa mga napinsala ng nagdaang sakuna ay ang mga simbahan, kumbento at mga paaralan.

“10 towns were heavily affected. 26,718 families were affected. 3289 evacuees. Some churches, convents, chapels, schools, and private houses were damaged,” pahayag ni Fr. Abella sa Radio Veritas.

Samantala, humihiling naman ng suporta si Fr. Abella para sa mga higit na naapektuhan ng bagyo na ang kinakailangan ay mga pagkain at materyales para sa mga nasirang tahanan.

“I would like to ask for support for the victims. Food packs and house materials,” ayon kay Fr. Abella.

Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 14-katao ang mga nasawi at pitong katao naman ang nawawala pa bunsod ng Bagyong Jolina.

Sa kasalukuyan, nasa 28,400 pamilya o 109,680 indibidwal ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Hinikayat naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na ipagdasal ang mga nasalanta ng bagyong Jolina.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,181 total views

 14,181 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,701 total views

 31,701 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,277 total views

 85,277 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,518 total views

 102,518 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,007 total views

 117,007 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,625 total views

 21,625 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top