Bigyang prayoridad ang health sector at itigil ang corruption sa medical funds, panawagan ng Pari sa administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang Philippine General Hospital Chaplaincy na bigyan nang kaukulang pansin ang sektor ng kalusugan ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Ayon kay PGH head chaplain at Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, batid ngayon sa mga inilalabas na datos, lalo na sa mga ospital ang patuloy na pagdami ng mga nasasawi dahil sa COVID-19.

Sinabi ng pari na sa mga nakakausap niyang tauhan sa mga Emergency Room, nababanggit na sa loob ng isang araw ay nasa anim hanggang pitong pasyente ang nasasawi dulot ng virus.

Dahil sa ganitong sitwasyon, napapagod na rin hindi lamang ang pisikal, kundi maging ang emosyonal na kalusugan ng mga healthcare workers.

“I was told by an ER staff while we were donning together, that there are times when he gets tired of cleaning, dressing, and packing dead bodies and putting them inside cadaver bags. To my disbelief he said, ‘imagine mo Father, sa ngayon may araw na may 6-7 death kami per shift, that means 18-20 death per day, ER lang’,” pahayag ni Fr. Ocon mula sa kanyang facebook post.

Samantala, ang pagdami rin ng mga nasasawing pasyente ay dahil hindi agad ito tinatanggap ng mga ospital sapagkat puno na rin ito ng mga pasyente, bagay na hindi pa rin matugunan ng pamahalaan magmula nang lumaganap ang COVID-19 sa bansa.

Kaya naman panawagan ni Fr. Ocon na huwag na sanang bahiran ng pulitika at lalong huwag nang nakawin ang pondo ng bayan na nakalaan upang paigtingin ang serbisyong medikal sa bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Sa mga pulitiko at nanunungkulan sa gobyerno, huwag muna kayo mamumulitika at higit sa lahat huwag kurakutin ang budget para sa bakuna at kung ano mang nakalaan para sa mga serbisyong pangkalusugan,” ayon kay Fr. Ocon.

Batay sa ulat ng PGH, naabot na nito ang full capacity sa pagtanggap ng mga pasyenteng may COVID-19, kung saan nasa mahigit 100-pasyente ang kasalukuyang naghihintay para ma-admit.

Kasabay naman nito ay ang pagbibitiw ng nasa 10 volunteer doctors ng PGH na pinangangambahang magdudulot ng patuloy pang pagdami ng mga magbibitiw na medical workers ngayong pandemya.

Naitala naman ng Department of Health ang 17,964 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 168 naman ang panibagong bilang ng mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 119,615 total reads

 119,615 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,413 total reads

 195,413 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,861 total reads

 228,861 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 264,160 total reads

 264,160 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,980 total reads

 485,980 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,029 total reads

 159,029 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top