Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Cubao, tumugon sa panawagang “time out” ng medical frontliner’s

SHARE THE TRUTH

 429 total views

August 2, 2020, 11:56AM

Pansamantalang sinuspendi ng Diocese of Cubao ang pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya sa buong diyosesis bilang pakikibahagi at tugon sa panawagan ng mga medical frontliners na pansamantalang “time out” mula sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 sa bansa.

Sa loob ng 2 linggo ipinag-utos ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang suspensiyon ng pagsasagawa ng liturgical services sa buong diyosesis mula ika-3 hanggang ika-14 ng Agosto bagamat magpapatuloy ito sa pamamagitan ng online services.

Pagbabahagi ng Obispo, ang muling pagsususpendi sa pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya sa diyosesis ay isang paraan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga medical frontliners na makapagpahinga, gayundin ang pamahalaan upang masuri ang kasalukuyang pagtugon ng estado sa krisis na dulot ng pandemya.

Ayon kay Bishop Ongtioco, kinakailangan ring masuri ng diyosesis ang naging pagtugon ng Simbahan sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“The Diocese of Cubao is listening and will act on their call. From August 3 to 14, the Diocese is suspending public liturgical services in all its parishes. Our online services amd religious activities will continue. We will allow our front-liners to breathe, our government to assesss and proactively respond to the situation, our Church to evaluate how we can better help our brothers and sisters who are suffering in this situation.” Ang bahagi ng tugon ni Cubao Bishop Ongtioco

Ipinaliwanagt ng Obispo na nakababahala at hindi dapat balewalain ang mariing panawagan ng mga medical frontliners na mula ng magsimula ang pandemya sa bansa ay matapang nang nanguna sa pagharap at pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga nahawaan ng nakamamatay na sakit.

Iginiit ni Bishop Ongtioco na ang panawagan ng mga medical frontliners ng pansamantalang “time out” ay hindi nangangahulugan ng pagsuko sa kanyang tungkuling sinumpaan sa halip ay paghingi lamang ng pagkakataon upang muling makapagpahinga at makapag-ipon ng lakas.

“What is even more concerning is the urgent appeal of the medical front-liners for a “time out”. Exhausted, overwhelmed by the steady deluge of the sick, and sometimes even taken ill, they remain dedicated in the commitment. They are not throwing in the towel or cowering from their tasks. They are imploring for a “time out” to get their bearings back, to breathe and to energize for the burgeoning task ahead.” Dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Nauna ng ipinag-utos ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang muling pagsunod ng lahat ng mga Simbahan at Dambana sa arkidiyosesis sa mga panuntunan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Read: https://www.veritas846.ph/archdiocese-of-manila-magpapatupad-ng-2-linggong-lockdown/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 8,260 total views

 8,260 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 28,988 total views

 28,988 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 37,303 total views

 37,303 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 55,926 total views

 55,926 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 72,077 total views

 72,077 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 681 total views

 681 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 7,210 total views

 7,210 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top