Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Retired Bishop Iniguez, nagpositibo sa COVID-19… panalangin, hiling ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

 522 total views

Humiling ng panalangin si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgillo David sa mabilis na paggaling ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez Jr. na nagpositibo sa COVID-19.

Inanunsyo at umapela ng panalangin si Bishop David sa kanyang misa na pinangunahan sa San Roque Cathedral.

Ayon kay Bishop David, kasalukuyan nang naka-confine sa San Juan de Dios Hospital si Bishop Iniguez na nakakaramdam ng ilang sintomas ng sakit.

Dahil dito, nananawagan si Bishop David upang sama-samang ipanalangin ang mabilis na paggaling ng dating Obispo ng Kalookan mula sa COVID-19.

“You probably also know that our Bishop Emeritus, Bishop Deogracias Iniguez has tested COVID-19 Positive yesterday (August 1, 2020) and he is presently confined at the San Juan de Dios Hospital, would you please include him in your prayers. You know that Bishop Deo is already a senior and he is feeling the symptoms of the COVID infection, let us please support him with our prayers so that he can recover from this.” Anunsiyo ni Bishop David sa kanyang misa sa San Roque Cathedral.

Mula ng maitalaga sa Diocese of Kalookan noong June 28, 2003 ay sampung taong nagsilbing punong pastol si Bishop Iniguez sa diyosesis bago naretiro noong January 25, 2013 sa edad na 72-taong gulang.

Si Bishop Iniguez ang ikalawang Filipinong Obispo na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 132,069 total views

 132,069 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 139,844 total views

 139,844 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 148,024 total views

 148,024 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 162,701 total views

 162,701 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 166,644 total views

 166,644 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 2,402 total views

 2,402 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 27,630 total views

 27,630 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 28,313 total views

 28,313 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top