Religious activities sa Diocese of Paranaque, suspendido ng 2-linggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,655 total reads

August 2, 2020, 3:21PM

Magpapatupad ng dalawang linggong suspensyon sa pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya ang Diocese of Parañaque.

Ayon kay Parañaque Bishop Jesse Mercado, ang naturang hakbang ay bilang tugon at pakikibahagi ng diyosesis sa panawagan ng mga medical frontliners sa pamahalaan upang pansamantalang muling ipatupad ang Enhanced Community Quarantine bunsod ng patuloy pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mula ika-3 hanggang ika-14 ng Agosto ay muling ititigil ng diyosesis ang pagsasagawa ng mga pampublikong Banal na Misa habang patuloy naman na maaring makibahagi ang mga mananampalataya sa mga banal na pagdiriwang sa pamamagitan ng livestreaming at online mass.

“The Diocese of Parañaque will also do the same (suspension of public masses) within the same period of time from August 3 – 14, 2020.” Mensahe ni Bishop Mercado sa panayam sa Radio Veritas.

Nauna ng nanawagan ng pakikibahagi ang Diocese of Parañaque sa pagsasagawa ng Misa-Nobenaryo para sa pagdiriwang ng ika-395 taong pagkakaluklok at kapistahan ng Nuestra Señora del Buen Suceso sa ika-10 ng Agosto, 2020 sa pamamagitan ng Online Live Streaming sa mga Facebook page ng The Cathedral Parish of St. Andrew at Roman Catholic Diocese of Parañaque.

Tema ng pagdiriwang ng ika-395 taong pagkakaluklok at kapistahan ng Nuestra Señora del Buen Suceso na ina at pintakasi ng Lungsod at Diyosesis ng Parañaque ang “NANA CISO: huwaran ng pag-asa at pagtitiwala na ang lahat ay mapangyayari ng Diyos para sa ating ikabubuti.”

Batay sa tala mayroong mahigit sa 1.4-na-milyon ang bilang ng mga Katoliko sa Diocese of Parañaque na ginagabayan ni Parañaque Bishop Jesse Mercado bilang punong pastol ng diyosesis.

Nauna ng ipinag-utos ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo at Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang dalawang linggong pagsususpendi ng mga pampublikong liturhiya sa mga Simbahan bilang tugon at suporta sa panawagan ng mga medical frontliners sa pamahalaan.

Read: https://www.veritas846.ph/diocese-of-cubao-tumugon-sa-panawagang-time-out-ng-medical-frontliners/
https://www.veritas846.ph/archdiocese-of-manila-magpapatupad-ng-2-linggong-lockdown/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,960 total reads

 33,960 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,542 total reads

 70,542 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,753 total reads

 88,753 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,081 total reads

 173,081 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,907 total reads

 208,907 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,311 total reads

 38,311 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top