Bishop Pabillo, COVID free na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

August 2, 2020, 6:39PM

Nagpaabot ng pasasalamat si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling mula sa COVID-19.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, ganap na siyang COVID-19 free matapos mag-negatibo ang resulta ng kanyang ikalawang swab test ngayong linggo.

Lubos rin ang pasasalamat ng Obispo sa nadama niyang bisa ng panalangin ng bawat isa at sa awa ng Diyos na wala siyang anumang naramdamang sintomas ng sakit.

“Nagpapasalamat ako sa lahat na nagdasal sa akin. Naramdaman ko na mabisa ang inyong mga dasal.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Broderick Pabillo sa Radyo Veritas.

HInimok naman ng Obispo ang mga mananamapalataya na mag-alay ng panalangin para kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez Jr..

Paliwanag ni Bishop Pabillo, tulad ng pag-aalay ng panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling ay marapat din isama sa pagdarasal si Bishop Iniguez na nagpositibo rin sa COVID-19.

“Ngayon isama natin sa ating dasal si Bishop Deogracias Iniquez na ngayon ay may sakit din.” Apela ni Bishop Broderick Pabillo.

Ayon sa Obispo, matapos na kanyang makompleto ang quarantine period ay muli na siyang makababalik sa kanyang mga normal na gawain kung saan nakatakda na ang kanyang muling pagsasagawa ng banal na misa sa Veritas Chapel sa susunod na Linggo, ika-9 ng Agosto.

“Next Sunday makakamisa na ako. Wala na akong virus pero tinatapos lang ang quarantine.” Ayon kay Bishop Broderick Pabillo.

Ika-23 ng Hulyo ng humiling ng panalangin si Bishop Pabillo sa mga mananampalataya matapos na magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR.

Samantala, nauna ng umapela ng panalangin si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgillo David para sa mabilis na paggaling ni Bishop Iniguez na nagpositibo rin sa COVID-19 at kasalukuyan ng naka-confine sa San Juan de Dios hospital.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,875 total reads

 13,875 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,471 total reads

 95,471 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,920 total reads

 128,920 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,219 total reads

 164,219 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,291 total reads

 390,291 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top